Ryan Petrucelli

186 8 10
                                    

14 YEARS LATER


Mabilis kong kinuha ang kunai ko at agad na tumalon sa isang puno. Masyado ng madilim. Kailangan ko ng umuwi.


Maglalakad na sana ako paalis sa lugar na 'yun nang maramdaman ko ang ilang tao na mukhang kanina pa ako sinusundan. Tss. Himala at nagpakita na sila. Kanina pa ako naghihintay.


Palihim akong ngumisi at inikot ang ilang kunai sa kamay ko bago inayos ang bag ko kung saan nakalagay ang pangpana ni Mama. Mga hangal. Akala nila nandito pa ang likido.


Nagbilang lang ako ng tatlong segundo bago nagtago sa isang puno. Pagkatapos ay walang pagdadalawang isip na umakyat sa pinakataas ng puno ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.


"Nasan na?! Hindi ba't nasa harapan lang natin ang batang 'yun?!" Sigaw ng isang lalaki sa sampung taong kasama niya na pare-parehong may hawak na kunai.


Napabuntong-hininga nalang ako bago tumalon papunta sa harapan nila na ikinagulat pa nilang lahat.


"Gusto niyong makuha 'to?" Nakangisi kong tanong at ipinakita sa kanila ang likido. "Kung ganon, labanan niyo ako."


Isa-isang sumugod sa akin ang mga taong 'to. Mabuti nalang at kabisado ko na ang lahat ng itinuro nila Papa kaya naging mabilis nalang sa akin ang lahat. Wala pa atang ilang minuto bago ko napatay ang lahat kaya napatingin ako sa isang tao na sa tingin ko ay pinuno nila.


"S-sino ka?" Natatakot na tanong niya na ikinangisi ko.


"Petrucelli." Isang salita na ikinaputla niya. Gusto kong matawa. "Nagmula sa angkan ng Riciardelli at Petrucelli. Sigurado akong sa mga impormasyon na ibinigay ko, kilala mo na ako."


"R-ryan——Ryan Petrucelli." Wala pang ilang segundo ay nasa likod na niya ako at nakatutok na sa kaniya ang kunai ko.


"Bibigyan kita ng isang pagkakataon para mabuhay. Sabihin mo sa pinuno niyo na tigilan na ang paghahanap sa likido. Kapag hindi nila ginawa, papatayin kita bukas na bukas mismo." Diretso kong sabi at pinakawalan siya. "Ngayon, umalis ka na."


Tss.


A/N:


Updated: September 04, 2021


"Be careful, a new generation is coming."


This is really the end of Battle of Hearts (Book 2). I hope you enjoyed reading this and let's see each other again soon to welcome the next generation!! Thank you so much, guys!


©️All Rights Reserved. Abakadazzzzz2021.

Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now