II. Kabanata 37

119 2 4
                                    

6 YEARS LATER


River's POV


"Grabe! Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay naiiyak ako sa'yo. Akala ko pa naman okay na pero bat umiiyak pa 'ri—-"


"Ms. River. Nandito na po kami." Agad kong pinunasan ang luha ko at hinubad ang apron na suot ko bago sinamaan ng tingin ang sibuyas na hinihiwa ko.


Hinayupak na sibuyas 'yan. Ang tagal tagal ko ng ginagamit pero naiiyak pa 'rin ako. Napakasakit naman kasi niya sa mata. Parang ayaw na ako pagmulatin eh.


Kumuha ako ng pamunas at bahagyang inipit pa ang buhok ko bago buksan ang pinto.


"Mama." Nakangiting bati ng anak ko na ikinangiti ko na 'rin.


"Salamat po sa paghatid." Nakangiti kong sabi sa isang warrior na ngumiti na 'rin sakin.


"Ayos lang ho yun. Masaya naman ho kasama ang anak niyo. Oo nga po pala, Ms. River. Pinapasabi po ng Sage na pumunta daw po kayo mamaya sa opisina nya."


"Ganon ba? Sige. Salamat!" Nakangiti kong sabi bago naglakad papasok. Dumiretso agad ako kay Ryan na nagtatanggal ng medyas niya sa sala.


"Kamusta ang pag-aaral ng napakagwapo kong anak?" nakangiti kong tanong bago napansin ang suot-suot niyang kwintas ko. Yun yung kwintas na bigay ni Rio sa akin matapos ang gulo sa bedropelli. Ibinigay ko na siya kay Ryan.


"Nakakuha na naman ako ng mataas na marka sa pagsasanay, Ma." Nakangiti niyang sabi. "Pumangalawa naman si Harken tapos nagyayabangan pa ng score si Samuel tsaka Felix kahit iisa naman ang pwesto nila."


Gusto kong matawa sa kwento niya. Ano pa nga ba ang aasahan mo kay Samuel na anak ni Simon at kay Felix na anak ni Finn? Jusko. Nakuha nila kung paano mag-asaran ang mga tatay nila. Kumbaga, sa henerasyon nila Ryan. Ang Simon at Finn ay si Samuel at Felix na mas maligalig pa.


"Masaya ka ba ngayon?"


"Oo naman, Ma." Nakangising sagot niya sa akin. "Oo nga po pala,"


"Hmm?"


"Nabanggit po ng professor namin si Papa." Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko nang sabihin nya sa akin ang bagay na 'yan. Tinupad ko ang pangako kay Rio. Hindi lumaking galit sa kaniya si Ryan. "Sabi ho ni Professor Callie, isa daw po si Papa sa pinakamagaling na warrior dito sa hoshiga. Sa katunayan pa nga daw po, nanguna si Papa sa pagsusulit bilang warrior kaya naman po, may gusto na ako kapag lumaki na ako."


"At ano naman yun?" Nakangiti kong tanong. Nahahawa ako sa saya ng anak ko. Parang kapag ganito siya kasaya, kailangan masaya ka na 'rin kasi mahahawa ka talaga.


"Gusto ko pong manguna sa pagsasanay bilang warrior kapag nasa tamang edad na po ako. Kaya ko naman po yun hindi ba?"


"Oo naman." Desidido kong sabi. "Ikaw pa ba. Lahat kaya ni Ryan. Pero bago yun, maligo ka muna at pagkatapos bumaba ka dito para kumain ng tanghalian. Mamayang hapon ay pupunta tayo kila Tito Aiken. Tapos kila Mama kasi miss ka na daw nila Lola at Lolo mo."


"Sige Ma. Akyat na po ako." Paalam niya na ikinatango ko.


Bumalik na ulit ako sa kusina at nagpatuloy sa pagluluto. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatingin sa napakalaking picture ni Rio habang buhat niya si Ryan nung baby pa si Ryan. Meron kasi silang picture ni Rio. Yun yung tuwang tuwa si Rio kasi ngumiti si Ryan. Inilagay ko yun sa sala para kitang kita talaga. Napakagwapo naman kasi ng mag-ama ko.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now