Kabanata 1

279 5 0
                                    

AFTER 2 YEARS


River's POV


"Kinakabahan ako huhu." Napahawak ako ng mahigpit sa suot-suot kong gown ko. Hindi ako mapakali kanina pa. Nung nakaraang buwan pa ako nakabalik dito at simula nun ay hindi na nawala sa isip ko na malapit na akong ikasal. Ilang oras na lang!


"Wag ka malikot River!" Saway sakin ni Mama na ikinangiwi ko.


"Baka magkamali ako mamaya Mama. Tapos bigla akong ayawan ni Rio. Kinakabahan na ako." Naiiyak na sabi ko na ikinatawa ni Mama. Kahit si Lola na nasa likuran ay natawa na rin sa kabaliwan ko.


Napapraning na ako!


"Hindi naman maghihintay ng ganon katagal si Rio kung aayawan ka din pagkatapos ng kasal." Singit ni Kuya at walang pag-aalinlangan na umupo sa lamesa na nasa harapan ko. "Mukha kang tanga dyan. Sa dalawang taon na yun halos hindi naman kayo nagkalayo ni Rio kasi pumupunta pa rin sya sa San Andres."


Napasimangot nalang ako sa sinabi nya. Totoo kasi yun. Sinunod ni Rio yung pangako nya na kapag malapit sya sa San Andres ay pupuntahan nya ako. Sa isang buwan ay isang beses syang pumupunta sa bahay nila Lola. Madalas pa kapag pumupunta sya dun ay tinutulungan nya akong magsanay. Dahil nagsabi ako kila Papa na kapag bumalik ako dito. Gusto ko maging parte ng mga warrior.


Sa dalawang taon na nakalipas. Mas naging marami ang tanong sa utak ko. Lalo na nang malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari nung namatay ako sa napakadaling panahon lang. Hindi kapani-paniwala ang nangyaring yun. Binigyan ako ng pangalawang buhay ni Laura at Peter. Sigurado daw sila Lolo na wala na akong buhay nun pero nagulat sila nang unti-unti akong gapangan ng ugat ng puno at ang pagtibok muli ng puso ko.


Nung una ay hindi pa ako naniwala kasi hindi talaga kapani-paniwala ang mga yun. Pero habang tumatagal, parang gusto ko nalang sumang-ayon sa sabi-sabing yun. Binigyan nila ako ng panibagong buhay kaya naman gagawin ko ang lahat para matupad ang ipinangako sa mga warrior na nagbuwis ng buhay nung nakaraang pagsugod ng bedropelli.


"Tumayo ka na dyan at magsisimula na ang kasal mo." Sabi ni Kuya na ikinasama ko lang ng tingin. Natawa naman sya at niyakap ako ganon na rin sila Papa. Si Mama ay naiyak pa. Kasi daw aalis na ako sa bahay. Eh ilang hakbang lang naman ang ipupunta ko nandun na ako sa bahay. Napagdesisyunan kasi namin na sa bahay nila Rio nalang tumira dahil wala naman ng maninirahan dun. Si Tris ay may sariling bahay malapit sa opisina ng Sage.


Tinulungan ako nila Mama na ayusin ang gown na suot suot ko. Ang sabi ko sa kanila ay kahit simpleng kasal nalang ang gawin tsaka simpleng gown lang ang isuot ko. Kaya lang hindi pumayag si Maxie dahil isang beses lang daw mangyayari sa buhay ko 'to. Nakakatuwa naman at ang buong warrior ang naging punong abala sa pag-aasikaso sa kasal namin. Nangunguna si Maxie at si Castrielle na palagi pang nagtatalo.


"Naghihintay na po sila sa simbahan." Magalang na sabi ng isang warrior na ikinalunok ko. Isang simpleng ngiti lang ang ibinigay sakin nila Mama bago nila ako inalalayan maglakad.


Kinakabahan talaga akooooooo!


Reese POV


"Parang ako ang ikakasal. Ako yung kinakabahan." Reklamo ni Fara sa tabi ko.


"Kaya nga eh. Tsaka ganito ba talaga dapat yung suot ko? Nakikita na yung dibdib ko." Sabat naman ni Mikael kaya napalingon na ako sa kanilang dalawa. Ang ingay-ingay nila dito sa simbahan. Ano ba naman 'tong dalawang 'to.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now