Kabanata 5

189 6 0
                                    

Warning: R18


River's POV


Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ang bahagyang pagyakap sakin ng isang braso. Hindi lang yun dahil para pa nyang inaamoy ang buhok ko. Sisigaw na sana ako nang maamoy ang pabango ni Rio kaya dali-dali akong humarap dun at bumungad sakin si Rio na nakatingin sakin ng diretso.


"Kakarating mo lang?" Gulat na tanong ko na ikinatango nya. "Magluluto ako. Baka nagugutom k—"


"Matulog muna tayo, Petrucelli." Muli nyang hinigpitan ang yakap sakin kaya bumalik nalang ako sa paghiga at pinanood nalang syang ipikit ang mata nya.


Ang gwapo talaga ni Rio. Hays. Mukha syang anghel kapag natutulog pero kapag lumalaban naman ay nawawala ang anghel na yun sa katauhan nya.


Sa totoo lang, nakakatakot si Rio kapag nagagalit sya. Para syang ibang tao.


*sighs*


Sumiksik ako sa dibdib ni Rio. Narinig ko pa syang natawa pero hinigpitan din naman ang yakap sakin. Sobrang komportable ng pwesto ko kaya nakatulog ulit ako.


Halos magtatanghali na nang magising ako. Si Rio ay bagsak parin. Tulog na tulog. Psh! Hindi ba 'to natulog dun?


Tumayo ako mula sa higaan at dumiretso sa banyo. Naligo na rin ako. Pagkatapos ko naman ay nakita ko na si Rio na nakaupo sa kama at mukhang malalim ang iniisip. Halos hindi nya pa namalayan na nakalabas na ako ng banyo kung hindi ko pa sya tatawagin.


Palagi nalang syang ganito. Ano nanaman bang nangyari?


"Rio." Tawag ko kaya gulat syang napatingin sakin. Pero agad din namang ngumiti. Psh! "Ayos ka lang ba?"


"Oo naman." Kaswal na sabi nya at lumapit sakin. Ramdam ko kaagad ang yakap nya sakin kaya yumakap ako pabalik sa kanya.


"Kapag may problema ka, sabihin mo sakin ha. Para naman matulungan kita kung paano sosolusyunan." Seryoso kong sabi pero hindi sya nagsalita kaya bahagya kong inilayo ang mukha ko at tumingin sa kanya. Nanatili namang nakayakap ang braso nya sa bewang ko para alalayan ako. "Hoy ha. Wag kang mahihiyang magsabi sakin. Kahit ano pa 'yan, nandito lang ako sa tabi mo. Isa pa, asawa mo naman ako kaya tutulungan kita."


"Asawa." Nakangiti nyang sabi bago tumingin ng diretso sa mata ko. Ang bilis talaga magbago ng ekspresyon ni Rio. "Mahal na mahal kita, River."


"Ako din naman. Mahal na mahal kita. Kaya nga sabihin mo sakin kapag may probl—"


"Sabihin mo nga ulit na mahal mo ko." Nakangiting sabi nya na ikinangiwi ko. Kailangan talaga putulin yung sasabihin ko?


"Eh? Ang sabi ko mahal na mahal din k—-Wahhhh Rio!!" Sigaw ko nang buhatin nya ako papunta sa kama.


"Mamaya nalang tayo bumangon." Inaantok na sabi nya at isiniksik ang mukha sa leeg ko bago ako niyakap nanaman ng mahigpit.


Hay nako!


"Rio, nakaligo na ako."


"Ano naman?" Tanong nya kaya ramdam ko ang paggalaw ng labi nya sa bandang leeg ko. Ano ba naman yan Rio! Jusko!


"Yung totoo, bat ba pagod na pagod ka?" Masungit na tanong ko kaya tumingin sya ng diretso sa mukha ko.


"Hindi ako pagod. Tss. Namiss lang kita." Masungit na sabi nya bago hinalikan ng mabilis yung labi ko. "Anong ginawa mo dito ng tatlong araw?" Napasimangot ako sa tanong nyang yun. Naalala ko nanaman yung mga ginawa ko. Ayos lang naman sakin yun, ang problema, parang bata ang kailangan sa mga misyon na yun. Nag-iisa akong ganito ang edad. Pero bahala na, hindi ko na sasabihin kay Rio yun dahil may napakagandang balita akong natanggap.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now