Kabanata 14

111 4 1
                                    

River's POV


"Bakit hindi natin paupuin dito si Kalen?" Naiilang na tanong ko kay Remmie na kunot noong kumakain. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa. Pero sa apat na araw na pananatili namin dito eh palagi silang nag-aaway. Para silang aso't pusa. Literal na galit talaga sila sa isa't-isa.


Jusko. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?


"Hayaan mo sya. Bastos ang isang 'yan. Halata din namang ayaw tayong kasama sa pagkain."


*sigh*


"Uhm, hindi pa naman natin natatanong. Malay mo pumayag." Kibit balikat na sabi ko na ikinalingon nya. "Apat na araw na tayo dito at sa napapansin ko wala namang masyadong gulo. Bukas ay uuwi na 'rin tayo sa hoshiga. Siguro maganda kung mag-uusap usap na tayong tatlo."


"Pero River...," nakangiwing sabi nya. "Bastos 'yan eh."


"Anong bastos ba? Bastos sa pananalita?" Kunot noong tanong ko na ikinapula ng pisngi nya. Kita ko pa ang bahagya nyang pag-iwas ng tingin. Uh-okay...anong meron? Gulong-gulo na kasi talaga ako eh. "Tawagin ko nalang si Kalen." Pag-iiba ko ng usapan na ikinatango nya. Wala ng nagawa hehe.


"Kalen!" Tawag ko na agad namang ikinalingon ni Kalen. "Dito ka." Natural lang syang tumango at naglakad papunta sa lamesa namin. At dahil nga paikot yung lamesa namin, nakikita namin ang mga mukha ng isa't-isa.


Akala ko pa naman hindi sya papayag. Psh!


"May problema ba kayong dalawa?" Nagtataka ko ng tanong dahil hindi sila makatingin ng diretso sa isa't-isa.


Pakisabi naman sakin kung anong meron oh! Naguguluhan na kasi talaga ako sa kanila eh!


"A-ano...,oo nga pala." Biglang sabi ni Remmie na ikinalingon ko. "Bakit parang gabi-gabi ka ata lumalabas para bumili ng pagkain? Iba na yan ha." Nakangiti nyang sabi na ikinangiwi ko lang.


Totoo ang sinasabi ni Remmie. Sa apat na araw na pananatili namin dito, lumalabas ako tuwing gabi para mangalap ng impormasyon. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong layunin ko kaya nagsisinungaling nalang ako. Ayokong malaman nila. Dahil sigurado akong kapag nalaman nila, hindi na ako makakalabas pa ng hoshiga.


"Mukhang malabo 'yang sinasabi mo."


"Bakit naman?"


"Pati ba naman yun kailangan alamin mo pa?" Biglang sabi ni Kalen na sabay naming ikinalingon ni Remmie. Kita ko ang seryoso nyang pagtingin kay Remmie na nagulat pa sa ginawang yun ni Kalen. "Sa kanilang dalawa nalang yun ng...,n-ni Petrucelli."


"Wala naman akong sinabi na gusto kong alamin ah." Reklamo naman ni Remmie. Mukhang hindi napansin ang bahagyang pagkautal ni Kalen kanina.

 

"Pero base sa tanong mo gusto mong malaman."


"Pwede ba?" Pikon na tanong ni Remmie at bahagya pang kinalabog ang lamesa kaya nagulat ako.


Hindi naman siguro sila mag-aaway dito diba?


"Oh bakit? Napipikon ka na?"


"Oo. At konti nalang baka hindi ka na makaabot sa pangatlong misyon mo." Seryoso at madiin na sabi ni Remmie. "Kaya kung ako sayo, Kalen. Mananahimik nalang muna ako."


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon