II. Kabanata 40

123 4 4
                                    

River's POV


"Kahit sa anak mo hindi mo kayang sumunod noh?" Saway ni Kuya sa akin habang naglalakad kami papalabas ng station.


"Hindi ako baliw para ibigay 'yun sa anak ko. Kapag napunta sa kaniya ang likido, mas lalo lang siyang mapapahamak. Mas mabuting ako nalang."


"Tss. At ang gusto naman ni Ryan, mas mabuting siya nalang? Psh! Akala ko ay lahat ng meron kay Ryan ay nakuha kay Rio. Mukhang sayo nakuha ni Ryan yung ganiyang ugali niya."


"Grabe ang intense talaga minsan ng away ng magkapatid na 'to. Parang mag-asawa. Buti pa kami ni Fara, chill lang. noh?" Tanong ni Finn kay Fara na ngumisi lang sa kaniya.


"Tanga. Sumasabay lang sa trip mo si Fara kasi naaawa sa'yo. Hindi ka naman talaga mahal niyan."


Hindi pa pala sila tapos sa isyung 'yan. Pfft.


"At sino namang nagsabi sa'yo na mahal ka ni Mikael?" Pagbawi ni Finn sa pang-aasar ni Simon. Napapailing nalang kami sa kanilang dalawa.


Sobrang daming kalaban ang bumungad sa amin sa harapan ng station. Parang mas lalo lang lumala ang sitwasyon dahil nagtipon tipon ang lahat sa lugar na 'to kaya pati ang kalaban ay ganon din.


"Mukhang kailangan natin maghiwa-hiwalay." Sabi ni Killian na agad ikinatango ni Kuya.


"Palibutan ang station. Sa kanang bahagi ay ang grupo mo Killian ang pumwesto." Sabi ni Kuya na agad sinunod ni Killian.


Kasama ni Killian sa grupo nya ay si Maxie, Castrille at George Zarelli.


"Sa likurang bahagi ng station ay ang grupo mo Tris."


Remmie, Tris, Kaye at Mike.


"At sa kaliwang bahagi naman ay kayo Simon."


Simon, Callie, Fara at Finn.


"At tayong tatlo dito sa harapan," Sabi ni Kuya sa aming dalawa ni Reese. "Wag na wag niyong pababayaan ang sarili niyo dahil hindi na 'to kagaya dati na sarili lang natin ang iniisip natin. Ngayon, may mga anak na tayong naghihintay. Babalik tayo sa kanila ng buhay."


Simon's POV


"Bat kasama ko kayo? Tss. Hindi man lang kayo pinaghiwalay ni Aiken para sana pareho kaming walang asawa ni Finn."


"Tss. Wag mo nga ako igaya sayo Simon. Palibhasa hindi ka mahal ni Mikael."


"Alam niyo, ang tanda tanda niyo na wala pa 'ring pinagbabago 'yang mga ugali niyo. At ang masama pa, nakuha ng mga anak niyo 'yung ganiyan." Saway sa amin ni Callie na ikinatawa nalang ni Fara. "Ang mga batang 'yun, kahit nagdidiscuss ako sa harapan ay naririnig kong nagtatalo kung sino ang mas gwapo sa kanila."


"Eh yung anak ko naman kasi ang gwapo. Laban na laban pa 'tong anak ni Finn."


"Ulol. Mahiya ka nga sa sinasabi mo. Gwapo ang anak ko ganon din ang anak mo kasi hindi naman nakuha ang mukha sa'yo. Pasalamat ka ngang kay Mikael nagmana ang mukha dahil kung sa'yo, nako. Ako na maaawa doon sa bata."


Aba'y siraulo 'to ah.


"Ang sakit nun ah!" Angal ko na ikinatawa niya. "Pakyu ka Finn. Pakyu ka."


Natawa nalang siya sa akin bago kami dumiretso sa kaliwanang bahagi kung saan namin natagpuan ang mga warrior na lumalaban sa mga kalaban. Potek, parang mas marami ang kalaban dito ah.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now