Kabanata VIII

338 9 1
                                    

Kabanata VIII

Smile

"Eleanor! Eleanor!"

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon pero sa dami ng estudyateng lumalakad at lumalabas din sa kani-kanilang classroom ay hindi ko na alam kung sino ang tumatawag sa akin.

Break time ngayon at balak kong pumunta sa cafeteria. Ilang minutes lang ang break time namin kaya hindi na ako nagtagal pang tumayo roon.

Nginingitian at binabati ko pabalik ang ilang bumabati sa akin. I just actually want to eat because I wasn't able to eat breakfast before I leave our house.

Kaya naman pagtapos kong bumili ng pagkain ay mabilis kong tinahak ang daan pabalik sa classroom namin para doon na kumain.

Pero bago pa ako makabalik sa classroom ay may tumawag na naman sa akin.

Bumuntong hininga ako bago lingunin kung sino ang tumawag! Nako naman! Nagugutom  na ako, baka gusto nito siya ang kainin ko?

"Eleanor!" tawag ng isang lalaki habang natakbo papalapit sa akin.

Nang makalapit ay namukhaan ko ito. Isa ito sa mga kabatch namin. Madalas nakikita ko 'tong kausap sina Keiffer at isang beses ko pa lang ata 'tong nakausap.

He stopped in front of me and stood up properly before fixing his hair. Kasingtangkad nito sina Keiffer. Singkit ang mata, maputi at may pagkabrown ang buhok.

"Kausap na ni Colt?" dinig kong sabi ng isang lalaki sa gilid namin.

Hindi ko iyon pinansin at nanatili ang mata ko sa lalaking nasa harap ko. I smiled and nodded. Kilala ko naman siya kaso nga lang hindi naman kami close para mag-usap kaya hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Sa susunod na linggo na ang quiz bee, 'di ba?" tanong niya sa akin.

Sa tanong niyang iyon ay unti unting humupa ang ngiti ko at naging maliit na lang iyon. Nitong mga nakaraang linggo ay sinubukan kong hindi na muna isipin ang tungkol doon dahil nga naging abala na rin sa mga gawain.

But the truth is... I was really avoiding thinking about Dmitri. Pagtapos ko kasing marealize ang bagay na iyon ay hindi ko na napigilan mas isipin siya. I know it's nothing serious but I still don't want to think about him especially I have other important things to do than to think about it.

"Yep.. Kasali ka ba ron?" tanong ko.

Ngumiti siya at tumango kaya naman ang singkit niyang mata ay nawala na.

I heard Colt is good with his studies. Siya nga ata ang top student sa section nila which is kaparehas namin ng strand. I've heard his name a lot of times from our professors, pinupuri siya dahil sa katalinuhan niya.

"You're with Dmitri, right? Nabalitaan ko noong last month pa, pinuntahan ka pa raw sa room niyo?" he asked curiously and kinda looked tensed.

Ibig sabihin ganun siya katalino talaga dahil sinama pa siya sa quiz bee? E bakit ako, I'm not that smart enough to join!

Is he smart in solving problems? Siguro kasi STEM student siya, e? At isa pa... matalino nga raw sabi nila. And he plays basketball, too.

E 'di crush ko na rin siya?

Nakagat ko ang labi ko.

But to think of it... I think he's also a good guy? Kaya ano namang hindi pwedeng i-crush sa kanya? I'm into smart guys, anyways...

"Yeah... he asked me if I'll join his team," ngisi ko at pinilig ang ulo nang may maalala tungkol doon.

He loosened up when he heard my response. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko maintindihan kung para saan.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon