Kabanata XXXVI

277 15 6
                                    

Kabanata XXXVI

Reason

Kinuha ko ang papel ng taong nasa likuran ko at pinasa iyon sa taong nasa harap ko kasama ang papel ko. Ito na ang huling beses na makikita ko si Dmitri dahil ito na ang huling exam week at bakasyon na.

Hindi na ako nagtangkang magpasa ng mas maaga. Hindi ko rin iyon nagawa dahil mas mahirap ang exam ngayon na binigay ni Dmitri. Sumabay na lang ako sa mga ka-block kong namo-mroblema dahil walang sagot o 'di kaya naman ay hindi sigurado sa sinagot.

Nagsitayuan na kami dahil pwede na agad lumabas. Kinuha ko na ang mga gamit ko at inilagay iyon sa bag. Naramdaman ko ang paglapit ni Rein sa akin.

"Ngayon lang kita naabutan after exam. Palagi ka kasing unang natatapos. Akala ko magakakasagutan ulit kayo ni Sir Dmitri..." bulong niya na nakapagpatigil sa akin saglit sa ginagawa.

"Hindi ba crush ka non? Ano na pala nangyari sa inyo? Akala ko close kayo pero mukhang magkagalit ata kayo-"

Nagpintig ang tainga ko sa narinig. Tiningnan ko si Rein dahilan nang pagkakatigil niya sa pagsasalita. Umiling ako at umayos na ng tayo nang tapos na sa pag-aayos ng gamit. Mukhang nakuha ni Rein ang gusto kong sabihin dahil nagpatay malisya siya agad.

Sumulyap ako kay Dmitri na nakangiting kinakausap ang mga ka-block kong kumakausap din sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin nang bumaling siya sa akin.

"May klase ka pa ba? We'll have dinner later. Little celebration daw kasi tapos na ang exam. Sama ka ba? Kapag sumama ka sure akong magugulat sila," ngisi ni Rein.

Sinukbit ko ang bag ko at ngumiti sa kanya. "I'll pass. May gagawin ako mamayang gabi.." aniko.

She pouted and nodded slowly, "Sayang naman. Ang tagal mo nang hindi nakakasama sa mga gatherings namin..."

Nginisihan ko siya, "Alam mo naman..."

Humalukipkip siya sa akin at pinakot ang mata habang nakanguso, "I know you're a really busy girl. Pero kahit isang beses lang? Sama ka sa mga lakad? Kailangan na nating magcatch up! Hindi ka na updated sa amin, kami rin sa'yo!"

Tumaas ang dalawang kilay ko at natawa, "May dapat ba akong malaman?"

"Sobrang dami..." she said exaggeratedly.

I was able to focus on my work after that. Wala na akong mga lessons at klaseng dapat alalahanin para sa schedules ko. At hindi ko alam pero sunod sunod ang offer sa akin para sa iba't ibang runways.

"Ms. Eleanor Fortes, right?" lapit sa akin ng isang lalaking naka-business attire sa backstage ng runway.

Mas lumalawak ang mga taong nakikilala ko. Every event ay may lumalapit sa akin para magpakilala at alukin akong model nila. Syempre dumadaan muna kay Miya ang lahat para siguraduhing maayos at hindi masisira ang pangalan ko sa mga nag-aalok sa akin lalo na't mas dumarami na ang nakakakilala sa akin.

"Hindi ba modelo 'yon?" dinig kong sabi ng isa.

Napatingin ako sa kanila. Dalawang babae iyon at napatakip ng bibig ang isa habang ang isa naman ay nanlaki ang mata at nahampas ang katabi niyang babae. Agad akong nag-iwas ng tingin at pinatuloy ang pagkain.

"Oh my god! Siya nga 'yon. Si Eleanor Fortes! 'Yong bagong ambassador ng Chanel!"

"Ang ganda niya lalo sa personal... Pa-picture ba tayo? Baka kapag naalok na 'yan ng Victoria Secret hindi na tayo makapagpapicture sa sobrang hirap,"

"Nakakahiya naman! Nakain pa siya.. mamaya na lang kapag tapos na siya? Crush pa naman 'yan ni Enrico panigurado maiinggit 'yon kapag pinakita ko na nakapagpa-picture tayo!" narinig ko ang mahinang hagikgik nito.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon