Kabanata I

774 20 1
                                    

Kabanata I

Clean

"Pahiram naman na kasi! Para ka namang tanga, e!" sigaw ni Rein kay Keiffer nang inilayo pa nito lalo ang ruler.

"Galit na galit? Parang gusto mo na akong lamunin, ah?" tawang-tawang sabi ni Keiffer at mas lalong itinaas ang ruler.

Iniwas niya ang kamay nang tumalon si Rein para abutin 'yon.

"Lalamunin talaga kita! O kaya ipapapatay na lang kitang hayop ka!"

Natawa kami ng malakas dahil sa sinabi ni Rein na ngayon ay inis na inis na kay Keiffer. He even stuck his tongue out that made Rein even more pissed.

"Walang kwenta talaga 'to si Keiffer kahit kailan. Mang-asar at mangbadtrip lang lagi ang alam." napapailing at tumatawang sinabi ni Yvonne.

"At magpapogi lang," dagdag ni Deither.

"Pogi naman kasi ako, oy!"

Umikot ang mata ko at napailing habang tumatawa. "In your face. Mukha ka kayang unggoy, ikaw lang ata ang nagsasabi na gwapo ka, e,"

"Hoy, hindi ako pangit!"

"Pre, tanggapin mo na lang." tumatawang sabi ni Benedict at malakas na tumawa.

"For your information, ako lang ang gwapo rito sa ating lahat, ah!" sabi niya at pumamaywang pa.

Sa ginawa niyang iyon ay agad nang nakuha ni Rein ang ruler at kinurot siya nito.

"Ah! A-Aray! Rein!" sigaw niya nang pinikot pa siya nito.

Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa ginagawang drawing. Gumagawa kami ng assignment ngayon na mamaya na ipapasa. Si Yvonne lang kasi ang nakagawa dahil siya lang naman ang pinakamasipag sa amin.

"Imbes na gumagawa ka na lang kasi, nambabadtrip ka pa! Huwag ka nang gumawa at magpasa para pagalitan ka!" sabi ni Rein at inirapan si Keiffer bago magpatuloy na sa ginagawa.

Rein has a fair skin and a medium length brown hair. Kaya naman kapag tumatabi sa kanya si Keiffer ay agad na nangingibabaw siya. Kayumanggi ang kulay ni Keiffer at itim na itim ang buhok. Pero bumagay naman iyon sa kanya at sa itsura niya.

"E kung kunin ko kaya 'yang ruler sa'yo? Nanghihiram ka lang naman, e!" pumamaywang ulit na sabi ni Keiffer.

"Neknek mo!"

"Ingay talaga netong dalawa kahit kailan," sabi ni Benedict.

Nilingon ko siya at tumawa. "Sa'yo pa talaga nanggagaling 'yan, ha?"

Benedict can sometimes be serious and funny. Pero mas lamang ang funny dahil sa kalokohan nilang tatlo palagi.

Nandito kami ngayon sa student lounge. Ang balak, gumawa ng tahimik, but I guess we can never do that even once.

"Tapos ka na? Bilis mo, ah?" puna ko nang makita na uminat-inat na si Deither at tinabi ang gamit niya.

He smirked. "'Di naman kailangan maganda, 'di naman major subject," he laughed and focused on his phone.

Natawa ako at napailing. He has a point kaya naman hindi ko na rin ginandahan ang akin.

Nang matapos kami ay agad na kaming pumunta sa classroom. We still have some time but we want to spend it inside our room.

Being a senior highschool student is not easy. Parang kung ikukumpara sa college ay halos parehas lang ang pinag-aaralan namin, ang kaso nga lang ay mas marami ang minor namin.

"May laro raw 'yong mga varsity mamaya, ah?" sabi ni Keiffer pagtapos ng klase.

"Hindi pwedeng manood, Keiffer, may gagawin tayong group project," agaran kong sinabi dahil alam ko na ang binabalak niya.

Still into you (Professor Series #2)Where stories live. Discover now