Kabanata XLVI

247 13 2
                                    

Kabanata XLVI

Love & Pain

"Nandon naman na sina Rich... I'll text you when I got home." aniko sa telepono.

Yumuko ako ng bahagya nang mapansin ang iilang tingin sa akin ng mga tao at napahawak sa sumbrerong suot.

Nahihirapan na akong pumunta sa public places dahil ganito ang nangyayari. Nakikilala ako ng mga tao at kapag tumagal ay nagkakagulo. Magugulat na lang ako na may mga pictures ko na ang kumakalat sa social media. Alam ko naman na ganito talaga ang mangyayari kapag naging maayos ang takbo ko sa modeling. Pero ang hirap.

Kailangan ko na lalo mag-ingat ngayon dahil ayaw kong may kumalat na issue tungkol sa amin ni Dmitri. Mabuti na lang nga noong nagroadtrip kami ay madaling araw kaya walang problema.

Binilisan ko ang lakad ko at mas lalong yumuko.

"I-text mo ako kapag malapit na kayo matapos. Malapit lang naman ako. Ihahatid na kita pauwi.." Dmitri said on the other line.

Napangiti ako sa narinig. The little things he do for me makes my heart flutter.

"Nagta-trabaho ka, 'di ba? Hindi ba medyo istorbo 'yon? 'Tsaka baka marami ka ginagawa...." aniko nang maalala na busy pala siya.

Nagulat na lang talaga ako kanina bago lumakad papunta rito na tumawag siya sa akin matapos kong magtext sa kanya tungkol dito sa pagkikita namin nila Pery.

"Hindi ka istorbo, Ely. Pwede ko 'tong ipagpaliban. May iba namang tao dito na pwede kong utusang magtuloy."

Nakagat ko ang labi ko nang pumasok na sa restaurant na sinabi nila. Gusto lang nila kumain at niyaya ako. Medyo nagulat ako dahil pwede naman nila iyong gawin kahit wala ako.

"Okay.. I-te-text na lang kita mamaya..." aniko.

Binaba ko ang tawag kasabay ng pagtanggal ko sa sumbrero ko. Inayos ko ang buhok nang maramdamang medyo nagulo iyon dahil sa sinuot na cap habang tinitingnan ang paligid para hanapin ang table.

Dumiretso agad ako nang makita ko si Pery at Rich na nag-uusap. Kumaway sa akin si Pery nang magawi ang tingin sa banda ko. Tinanguan ko siya at nginitian.

Pero nagulat ako nang makita hindi kalayuan sa table namin ang dati kong barkada nang makalapit na. I saw them look at me. Agad akong kinawayan ni Keiffer na nagulat nang magkasalubong ang mata namin. Si Rein naman ay kumaway din sa akin habang si Benedict ay ngumiti lang pati si Deither. Katabi niya si Neri na siya ring katabi ni Yvonne.

"Kanina pa 'yan sila dito. What a coincidence," Pery said and rolled her eyes.

"Malapit na raw si Quen, mag-order na ba tayo?" tanong ni Rich.

"Pwede naman, mag-add na lang tayo mamaya 'pag may ibang gusto si Quen na pagkain," aniko.

Umorder na kami at saktong pagtapos namin umorder ay nagulat ako nang naglakad papunta sa tabi ko si Keiffer. Napalingon ako kung saan siya nanggaling at nakita kong paalis na sila. Nag-aayos na at parang katatapos lang magbayad ng bills.

"Ganyan na ba talaga 'pag sikat na?" biro niya at ginulo ang buhok ko.

I pouted and chuckled at what he said. Binati niya sina Pery at Rich. Tinanguan siya ni Rich habang si Pery ay tipid na ngumiti.

"Pinagsasabi mo r'yan... Pauwi na kayo?" I asked him and glanced at his friends.

Tumango siya at napakamot sa ulo. "Didiretso kami kina Yvonne nagyayaya sila uminom. Ayaw ko nga sana kaso napilit ako. Sama ka kaya? Pangit kapag wala ka eh..." makahulugan niyang sinabi at parang nagtatampo.

Still into you (Professor Series #2)Where stories live. Discover now