Kabanata L

259 11 4
                                    

Kabanata L

Tough Decision

Rinig na rinig ko ang malalakas na mga sigaw nila. Hindi ko na alam kung kaninong boses iyon. Basta ang alam ko, nagkakagulo na ang lahat. Napatalon ako sa gulat at halos maiyak nang muli akong makarinig ng putok ng baril.

"Andito na ako... I'm sorry, natagalan ako...." Dmitri softly said.

He pulled me for a quick tight hug and kissed my forehead. Sa sobrang gulat sa mga pangyayari, hindi ako makapagsalita. Ang tangi kong nagawa ay mapaluha. I'm relieved to see him here. Sobrang daming tanong sa isip ko. Pero ang nangibabaw ay ang takot na mahuli kami.

"Nasa labas si Ethan..." he whispered and held my hand.

"Nasan si Eleanor?!" narinig kong sigaw ni Colt kasabay ang putok ng baril.

Someone shouted and I heard someone crying in pain.

"Lester!" isang malakas at malalim na sigaw mula kay Gilbert bago ako makarinig ng isang dalawang putok ng baril.

"Neil!" Neri shouted.

Napatakip ako ng tainga at nabitawan ang kamay niya pero agad akong hinawakan ni Dmitri para pakalmahin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na paalis doon.

Lumakad kami ng mabilis ngunit maingat. Sobrang dilim. Wala akong makita. Walang ilaw, hindi ko alam paano nakikita ni Dmitri ang dinadaanan namin at kung saan kami papunta. Nalaman ko na lang na papalabas na kami nang may dahan dahan siyang buksan na pintuan at lumabas kami roon.

Mabilis niya akong hinatak papunta sa harap para lumabas sa gate ng bahay. Kahit hindi ko na maramdaman ang paa ko, kahit namamanhid na ang katawan ko, sinubukan kong pantayan ang bilis niya. Because that's all I could do.

Nang makalabas kami, hindi kalayuan sa bahay na iyon ay may ilaw na nanggagaling sa sasakyan. Merong naghihintay doon pero hindi ko maaninag kung sino. Agad siyang napalingon sa gawi namin at nagulat ako nang tumakbo siya para salubungin kami. Pero mas lalo akong nagulat nang yakapin ako nito ng sobrang higpit.

Nang humiwalay ito ay saka ko lang nalaman na si Kuya Ethan pala iyon.

"Okay ka lang ba? Anong ginawa nila sa'yo?"

Kahit hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya at makita ang reaksyon nito, alam kong sobra ang pag-aalala niya sa akin. There's a hint of anger on his voice as he speak.

Nangilid ang luha ko at napatango na lang sa kanya. Pinigilan ko ang sarili na lumuha. I'm just happy I'm with them. Akala ko kanina katapusan ko na. Akala ko hindi ko na ulit sila makikita.

"Si Keiffer?" tanong ni Dmitri habang inaalalayan na nila ako ni Kuya Ethan para pumasok sa sasakyan.

Napahinto si Kuya Ethan.

"Hindi niyo kasunod? Wala pa rito," nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.

Napatingin sa akin si Dmitri at agad akong binitawan. Nasa loob si Keiffer?! Agad kong hinawakan si Dmitri sa braso para pigilan pero agad siyang ngumiti sa akin at tumango.

"Mabilis lang ako..." he said reassuring me bago tumakbong muli papunta sa loob.

Kuya Ethan guided me inside the car. Alam kong nag-aalala siya kay Keiffer at Dmitri kahit pa hindi niya iyon ipakita sa akin.

"Keiffer's here? Si Dmitri lang ang kasama ko kanina..." medyo kinakabahan kong sinabi.

Sobrang daming tumatakbo sa isip ko. Bakit sila lang ang nandito? Bakit walang pulis? At paano nila nalaman na nandito talaga ako? At bakit wala pa si Keiffer!

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon