Kabanata XL

503 22 10
                                    

Kabanata XL

Answers

"Class dismissed,"

Agad akong tumayo at sinukbit sa balikat ang bag bago lumabas ng classroom na iyon. Bago tuluyang makalabas ay nilingon ko si Dmitri.

Ayos na rin ang gamit at handa nang lumabas. Our eyes met and I immediately looked away. Tinuloy ko na ang paglalakad palabas sa building na iyon.

Hindi na ulit nagtangkang lumapit sa akin si Dmitri sa mga nakalipas ng linggo. Hindi ko alam ang rason, at naiinis ako dahil hinahanap hanap ko iyon. Na minsan kapag pababa na ako ng hagdanan ay naiisip ko na bigla na lang siyang susulpot sa kung saan at tatawagin ako. Tulad na lang ngayon. Pero bigo akong pumasok sa sasakyan ko dahil wala akong nakita ni anino manlang ni Dmitri sa labas ng building.

Pero nang makita ko siyang pabalik balik sa building ng agency namin ay napagtanto kong bumalik nga siya kay Maricar. Na kaya wala nang Dmitri na lumalapit dahil kay Maricar niya na iyon ginagawa. Dahil iyon naman talaga ang dapat.

"Nandito na naman daw sa building si Dmitri..." bulong sa akin ni Ram.

Laging gano'n. Mukhang kilala na nga siya rito dahi ltuwing pumupunta siya ay hindi naiiwasang pagkwentuhan siya at kung ano ang sinasadya niya sa building na 'to.

"May girlfriend ata rito?" narinig kong usap usapan.

Lalo akong hindi napakali nang isang beses ay napadaan ako sa kung nasaan si Maricar at narinig ang iilang sigaw nito.

"Just fucking get out of here will you?!"

Nagkatinginan kami ni Leigh pero walang nagtangkang huminto at magsalita sa amin. Nang masulyapan ang loob ng kwarto ay mukhang nagkakagulo sa hindi malamang dahilan.

"Ano kayang nangyayari..." Leigh murmurred nang makalagpas na kami roon.

I was about to open my mouth and tell her to stop being nosy but I saw Dmitri. Mabilis ang lakad papunta sa pinanggalingan namin. Hindi ko alam kung hindi niya ba ako nakita o sinadya niya iyon dahil nagulat ako nang nilagpasan niya lang ako na hindi manlang tinitingnan.

"Si Engineer 'yon, 'di ba?" si Leigh at mukhang sinundnan pa ng tingin si Dmitri. "Papunta siya sa kwarto ni-"

"Bilisan na natin, Leigh," putol ko sa sasabihin niya.

Alam ko kung saan siya papunta kahit hindi pa sabihin iyon ni Leigh. Hindi ko na nga nilingon, hindi ko na nga sinundan ng tingin dahil alam kong masasaktan ako. I was expecting it already, that he came for Maricar. Dahil siya lang siguro ang makakapagpakalma rito. Pero masakit pa rin kasi umasa ako na hindi. Na sa ibang dahilan kung bakit na naman siya nandito.

But Dmitri suddenly stopped. He stopped coming to the building.

"Hindi ko na ata nakikita si Engineer dito?" narinig kong nag-uusap ang dalawang nag-aayos ng mga gamit na gagamitin sa interview ko.

"Oo nga, e... Noong nakaraan ang dalas niya rito, 'di ba. Balita ko may modelo raw 'yong nililigawan dito?"

"Baka basted?"

"Huh? Engineer Valerio babastedin? Isa nga raw 'yan sa mga batang engineer nung kilalang engineering firm. Hindi ko maalala kung ano pangalan..."

"Sino ba raw 'yong modelo?"

Napalingon sila sa akin kaya agad silang tumigil sa pag-uusap. Umiwas ako ng tingin at napatitig sa kawalan. It's not my business but I can't stop thinking about his reason. Walang pumapasok sa isip ko para maging rason ng paghinto niya ng pagpunta rito. Wala akong ideya. Ang tanging naiisip ko lang ay baka nag-away sila ni Maricar.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon