Kabanata XXVI

197 8 0
                                    

Kabanata XXVI

Pahinga

"Aral na aral ka ata?" puna ni Quen habang umuupo sa tapat ko.

Ilang linggo na ang lumipas at malapit na naman ang exam. And that will be our final exam. Hindi naman talaga ako nag-aaral kapag malapit na ang exam pero iba na ngayon.

Gusto kong sabayan si Dmitri sa pag-aaral niya at kung gaano siya kaseryoso sa pag-aaral. Kaya naman sumubsob na rin ako sa pag-aaral simula noon at hindi na tumigil pa.

Hindi ko naman kailangan masyadong mag-aral dahil karamihan ay minor subject lang ang meron kami. Pero dahil palagi nga akong nag-aaral, kung dati ay pumapasa lang ako sa mga surprise quizzes, ngayon ay nape-perfect ko na pati na rin ang major subjects ko.

I realized that Dmitri was right. Masarap mag-aral kapag hindi nagc-cram at walang hinahabol na deadline. Mas nananatili rin sa isip ko 'yong mga naaaral ko dahil hindi ako nagmamadali. Kaya ngayon.. sinusubukan ko na ring magreview a week before exam gaya ng sinabi niya. Para relax na lang ako sa exam week at mags-scan na lang ng notes ko.

Ngumisi lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa sino-solve. Tapos na akong magreview sa minor subjects ko at hinuli ko ang major subjects para matutukan. Medyo marami rami ang librong kinuha ko ngayon dahil kaa-announce lang na wala kaming pasok sa natitira kong subject para sa araw na ito.

I've decided to spend the remaining time of this day here in the library to study. Balak ko kasi sanang tapusin ko ngayong araw ang pagrereview.

Hindi ko na rin nakikita ang mga kaibigan ko. But I have two reasons why I can't see them. Una ay ayaw ko pa talaga silang harapin for the past few weeks. Pangalawa, abala ako masyado mag-aral para makipagsabayan sa kasiyahan nila. I'm already contented and happy studying with Dmitri.

Pero nang matapos ang final exam ay biglaan silang nagyaya.. at isa na lang ang naging rason ko para hindi sila kitain. Ayaw ko pa sila harapin sa takot na maramdaman ulit ang pakiramdam na na-leleft behind.

That's why for the nth time.. tinanggihan ko sila. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para tanggapin ko ang alok nila sa akin. Sa susunod siguro... kapag handa na ako at ayos na, sasama na ulit ako sa kanila. Pero hindi pa ngayon.

Pero mukhang kahit hindi ako handa ay napaaga ang araw para makita ko silang lahat na magkakasama at nagtitipon-tipon.

It was late in the afternoon in our school. Sa unang pagkakataon ay kasama ko si Kuya Ethan papunta sa building namin. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong namin ang barkada ko.

Gusto ko sanang umatras at tumakbo paalis pero alam kong mahahalata ni Kuya Ethan na may problema ako sa mga kaibigan ko kapag ginawa ko iyon. I don't want him asking me about what happened. Ayaw kong malaman niya ang bagay na iyon sa hindi malaman na dahilan.

They are laughing and talking loudly. Medyo maingay sila habang naglalakad palabas kaya naman pansinin sila. Lalo na't kilala rin sila kaya naman napapatingin ang mga estudyanteng nadadaanan namin.

Iniwas ko ang tingin ko at nagkunwaring hindi sila nakita dahil hindi naman nila kami napansin. I was silently mouthing and praying na hindi nila kami makita. Pero ang nakakainis, si Kuya Ethan ang nakakita sa kanila at pumansin! He called Benedict. Kaya naman napatingin si Benedict sa amin kahit galing pa ito sa tawa.

Nagbago ang itsura niya at nagulat bago napangisi at mabilis na lumapit sa amin para kausapin si Kuya Ethan. Dahil sa ginawa niyang iyon ay huminto sina Keiffer at napatingin na rin sa amin.

Gulat ang kanilang mga mukha at hindi makapaniwala kaya naman sumunod silang dalawa ni Keiffer at Deither kay Benedict at lumapit sa amin.

"Eleanor!" bati nila sa akin.

Still into you (Professor Series #2)Where stories live. Discover now