Kabanata XLIX

349 18 7
                                    

Kabanata XLIX

Revelations

"Pupunta ba raw ngayong gabi?"

Ilang tawanan ang narinig ko. May nagsalita at sumagot pero hindi ko na masyadong naintindihan. I feel dizzy and still sleepy. Sumasakit pa rin ang ulo ko. I tried to open my eyes but I couldn't. And then I blacked out.

Muli akong nagising sa mga yapak na narinig ko at iilang boses na papalapit sa akin. Hilong hilo ako at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang gumalaw o dumilat manlang. I can't even open my mouth. I feel so tired and sleepy.

"Puta, bakit naman kasi tatanggalin? Baka mamukhaan tayo, napag-utusan na lang nga," galit na sabi noong isa.

"Ayon 'yong utos alangan naman hindi sundin? May pupunta raw mamaya rito. Gusto makita na walang galos,"

"Gago ka ba, nagpumiglas 'yan kaya nagkaron ng galos! Alangan naman linisin pa natin 'yan? Pero pwede naman mukhang masarap din..."

"Puta ka, sabing h'wag nga raw gagalawin! Saka na 'pag sinabihan tayo..." halakhak nito.

"Masarap din kapag gising. Masyado ata marami nasinghot kaya ayaw pa gumising. Tsk,"

"Tang ina baka kasi makawala na naman tulad noong nakaraan kaya dinamihan ko na, kita mo namang humabol 'yong lalaking nandon..."

Muli akong nakatulog at nilamon ng dilim. Nagising na lang ulit ako nang makarinig ng mga sigawan. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko. Hindi katulad ng mga una kong gising na walang makita, ngayon ay may naaninag na akong liwanag.

Malabo ang paningin ko nang  madilat ko ang mata. Naramdaman ko ang malamig na semento kung saan ako nakahiga. I tried to moved my hands but when I looked down, I saw my hands were tied. Mahigpit iyon kaya naman nang galawin ko ay napahingit ako sa sakit na naramdaman. Gano'n din ang sa paa ko na nakatali rin ng lubid.

Ininda ko ang sakit at sinubukang tumayo ng dahan dahan. Nakaramdam ako ng pagkahilo at pananakit ng ulo nang makaupo na. I rested my head on the wall and closed my eyes. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong tulog. Ang alam ko lang ay maliwanag na. Agad na dumilat ang mata ko.

Kahit pa nanlalabo ang paningin ay sinubukan kong tingnan ang paligid ko. Lahat ay semento ang pader, walang kulay, walang kahit anong gamit ang kwarto kung nasaan ako. Nilingon ko kung saan nanggagaling ang liwanag at halos manlumo nang makita na sa pinakataas at pinakamaliit na bintana iyon nanggagaling.

Nangilid ang luha ko sa takot. I don't know where I am. I don't even know who kidnapped me! Kahit ang pakay nila hindi ko alam! Sinubukan kong galawin ang tali pero sa sobrang higpit non, bumakat na iyon sa balat ko. Namumula at medyo mahapdi na rin.

Iilang sigawan ang narinig ko sa labas. Kinabahan ako at lalong natakot. Inalala ang nangyari. The moment I stepped out of Keiffer's house, bigla na lang may humila sa akin. And everything went black. Hindi ko nakita ang mga kumuha sa akin.

Tumulo ang luha ko. I wished Keiffer saw me! Sinubukan kong kapain ang bulsa para tingnan ang cellphone ko pero nang maalala na nahulog iyon ay halos mawalan ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung alam nilang nawawala ako, hindi ko alam kung nasaan ako, at hindi ko alam kung may tutulong ba sa akin!

My mind is a mess. Wala akong maisip at puro takot na lang ang nararamdaman. Tumahimik ang nasa labas at halos tumalon ang puso ko nang bumukas ang pintuan!

I saw two tall man entered the room. Halos kilabutan ako nang makita ko ang mga mukha nila. May sumunod sa kanilang dalawang lalaki na hindi ko kilala.

"Eleanor, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gilbert at lumapit sa akin.

"D-Don't touch me!" I cried.

Still into you (Professor Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant