Kabanata VII

312 7 2
                                    

Kabanata VII

Crush

"You okay?"

Napakurap ako at nilingon si Deither na nangalabit.

Wala sa sariling tumango ako at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit natutulala ako pero blanko naman ang isipan ko. Simula noong natapos ang foundation day... hindi ko alam kung bakit gan'to na.

At first I was thinking about what happened to the photo booth... pero habang tumatagal ay hindi ko alam kung bakit nabablanko ang isipan ko kapag natutulala.

"Sigurado ka?" he asked.

Mas lalo kong nilakihan ang ngisi. "Oo naman, 'no. Bakit hindi?" I chuckled.

Tinitigan niya ako parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Tumawa ako at inilingan siya.

"Hay, Deither. I'm really okay. Baka kulang lang sa tulog..." I smirked.

Sinara ko ang notebook at tinabi ang ballpen. Breaktime namin ngayon. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang iba naming kaibigan, basta kaming dalawa na lang ang naiwan dito.

"Hindi ka kakain?" he asked when I was ready to rest my head on the table.

Ngumuso ako. "Oo, gusto ko matulog, e. Sabihin mo na lang sa kanila, ha..."

"Hindi ka nagugutom?"

"Nah..." tamad kong sagot bago tuluyang isubsob ang mukha sa braso kong nakapatong sa lamesa ko.

I raised my other hand as I closed my eyes.

"Just eat without me. I want to rest, Ter..." I murmured before putting down my hand.

I heard him say something but it wasn't clear. Hindi ko na rin tinanong kung ano iyon baka tungkol lang naman sa sinabi ko. Kaya naman tinuluyan ko nang matulog at hinayaang kainin ng dilim.

Ewan ko ba. These past few days... medyo hindi rin ako nakakatulog ng maayos sa gabi. I stopped drinking coffee since foundation day. Pakiramdam ko kasi dahil sa kape ay nagpalpitate ako sa photo booth non ng sobra. Kaya hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog ng maayos sa gabi.

Maybe I'm having an insomnia?

"Wake up..." I heard someone whispering in my ear.

I thought I was just dreaming but when I felt someone tapped my back, my eyes flew open. And I realized I was sleeping deeply.

Umupo ako ng maayos at nagulat nang makita ang professor namin na nasa unahan na pala at nag-uumpisa nang magturo!

"Ang tagal mong gumising!" bulong ni Rein at pinanlakihan ako ng mata.

Inayos ko ang buhok at ang barrette ko.

"Kanina pa?" garalgal kong tanong.

"Kanina pa kita ginigising! Buti na lang hindi napansin ni Sir Ko!"

Napanguso ako at napatango. Hindi ko talaga alam. Hindi ko namalayan.

"Ba't ba parang puyat na puyat ka? Hindi ka sumabay samin, ah?" bulong niya ulit.

Tumingin ako sa harap at agad na napayuko nang magtama ang mata namin ni Sir Ko! Pasimple akong nagtago sa taong nakaupo sa harap ko at nilinis ang mata dahil baka may surprise ako roon.

Kinusot ko iyon at kumurap kurap nagbabakasaling hindi magmukhang kagigising lang ang mata!

Nang makuntento ay umayos ako ng upo at sinubukang intindihin ang sinasabi ng guro sa harap kahit hindi ko iyon masundan.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon