Kabanata XXIV

227 12 0
                                    

Kabanata XXIV

Affected

"Baka nabigla lang..." ani Dmitri.

Tumingin ako sa papel ko at pinaglaruan ang ballpen na hawak. We are in our usual spot. Wala sana akong balak sabihin kay Dmitri ang nangyari pero nang nagtanong siya sa akin ay hindi ko magawang magsinungaling.

Sinabi ko naman sa kanya lahat maliban sa mga insulto at paratang ni Yvonne sa akin. The more I think about it, the more her words become painful to me.

I already said that to myself. Na baka kailangan pa ng mas mahabang panahon ni Yvonne para maintindihan at paniwalaan niya ako. Pero dadating kaya 'yon? At kailan pa?

Pilit akong ngumiti at tumango, "Baka nga..."

But what I don't understand is, no one from my friends has ever questioned me about it. No one left me a message, except Keiffer. I know I told Keiffer and Deither about it, but was that enough? Or Yvonne already told and explained it to them in her point of view? Ganon din kaya ang tingin nila sa akin? Sinungaling?

I was expecting Rein to message me right after that day pero wala akong natatanggap hanggang ngayon. Our group chat has been unusually quiet. And I don't like what I'm feeling. Kasi mas lalo akong tinutulak nito para isipin na tama nga ang nararamdaman kong gap sa aming tropa.

"Gusto mo bang sa susunod na lang tayo mag-aral?" nag-aalalang tanong ni Dmitri.

Agad akong umiling at pinilit na ngumiti sa kanya.

"Bakit naman sa susunod pa? Sayang naman ang araw ngayon, 'di ba? I'm fine..." aniko nang makita na parang hindi siya sasang-ayon sa sinabi ko.

It was really hard to study when you have a lot of things in your mind. Kaya sa mga nagdaang araw ay hindi talaga ako maka-focus. That's when I decided to leave a message in our group chat.

Ako:

Available kayo mamaya for dinner? Treat ko!

Nang walang magreply ay sinundan ko iyon ng mensahe sa kung saan ko balak kami kumain. I sighed. Knowing Yvonne, she might not show up if she's still angry at me.

Nang matapos ang klase ko ay agad na akong dumiretso roon. I was expecting that Yvonne is the only one who won't show up that time, pero nagulat ako nang si Keiffer at Deither lang dumating.

Mapait akong napangiti. I've seen this before, the two of them sitting with me in one table. Naalala ko rin noong nagyaya ako at silang dalawa lang ang nakarating. That takes me back to that time. Ang kaibahan lang ngayon ay iba na ang nararamdaman ko. Kung dati ay wala lang at ayos lang, ngayon... parang dahan dahang akong tinatangay ng hangin palayo sa kanila.

Wala si Benedict dahil may pinuntahan daw, hindi nila alam kung bakit wala ang dalawa. But I'm sure the reason why Yvonne was not here is because she's still mad at me. Hindi ko lang alam kay Rein. Maybe she's with Yvonne or she went home early. Biglaan lang din naman ang yaya ko sa kanila.

"Baka kasama nila si Neri? I heard them talking about visiting a nearby-" si Keiffer na nalilito.

Nakita ko ang pagsiko ni Deither kay Keiffer kaya agad itong napatigil sa sinasabi. Napatitig ako sa kanilang dalawa.

So they are with Neri? Rein didn't go home but both of them are with Neri?

"We are not sure about that, Eleanor. Wala namang sinabi sina Rein na ganyan kanina ang alam ko..." bawi ni Deither.

Napalunok ako. "It's okay..." tango ko sa kanila. "Shall we order?" pilit kong ngiti at tinawag ang waiter.

Masama ang tingin ni Deither kay Keiffer habang si Keiffer naman ay napatitig sa akin.

Still into you (Professor Series #2)Where stories live. Discover now