Kabanata 15

370 26 11
                                    

Conquest

The instance those questions floated on my head, wala na akong naisip na iba bukod sa mga posibleng sagot para sa mga iyon. Good thing our call needed to end right away because he was needed for some emergency on the hospital,  or I might space out while the call's still ongoing,  baka mag-alala si Apollo.

"I'll call you again later, Lauv. May emergency sa ospital namin sa siyudad," aniya. Walang pagmamadali sa boses niya kahit na emergency na ang salitang namutawi mula sa bibig niya. "I'm sorry... I cannot keep this phone call long enough to comfort you..."

Napakagat ako sa aking labi.  There's no need for comfort, Apollo. All I need is your attention.

If comfort is what we'll be talking about, sobra pa sa sobra ang ibinibigay sa akin ng pamilya ko. Kailangan ko iyon, pero tanggap kong hindi iyon sapat para gumaling ako. May isang aspeto ng nakaraan ko ang kailangan kong bitawan, at hindi ko alam kung paano iyon gawin hanggang ngayon.

"Ayos lang, Apollo. You are..." too much for me. "... needed in your hospital. Saka ano, sayang load mo..." I tried to joke around on the last part.

I heard him chuckle on the other line.  "Nakaprepaid na ako, Architect. I can call you everytime I want to. I'm always a phone call away from you."

"Hmm." I just hummed, my mind's not ready for this kind of conversation.

"Hmm what, Architect? You don't believe in me? Tatawagan kita ulit mamaya..."

"Hmm..." I just hummed once again, ang isipan ko'y naglakbay na sa kung saan. Hinihintay ko na lang na siya ang pumutol sa tawag.

"Hmm, alright. I think you're already up to thinking other things. Gonna drop the call, Architect. Call you later, love—reen..." And he did ended the call.

If he's really a phone call away from me, should I call him back and tell him everything? Would I have the courage now to speak up for the first time after a year and a half of silence and torture from those whispers?

Hindi ito ang unang beses na ginusto kong sabihin ang lahat-lahat sa isang tao. I tried telling Ate Lhette before, I tried making my way to tell my grandmother and Tiyang, but I always end up being a loser to my own state of mind.

Ang mga pangyayari ay bawas na ang mga detalye kapag lalabas sa labi ko. Ang mga imahe mula sa nakaraan ko pawang kulang. Ang katotohanan ay tinago ko dahil sa kaisipang kasalan ko ang lahat. Kasalanan ko... kahit na biktima rin ako ng mga pangyayaring iyon.

Huminga ako ng malalim at suminghap. I could feel the cold sweat on my palm sa kabila ng mas malamig na buga ng aircon sa aking gilid.

Gusto kong iwasan na ang pagkabasag ng aking boses ngunit sa dami ng salita na dapat lumapat sa aking labi, hindi ko maiwasan ang manlamig.

Nag-angat ako ng tingin sa taong kaharap ko ngayon.

"I-I.. will try to tell everything on this session, Doctora Estella," anas ko. "I'll try to remember every single detail of the things I tried to forget if this will be the only way to set myself free from regret, fear, and my own trauma..."

Tumango at nagbigay ng ngiti si Doctora. "I'm all ears, Lauvreen. Start when you feel like you're ready but don't force yourself to it the hard way. You can get through this, pangalawang session mo pa lang naman ito sa akin. Ayaw kong puwersahin mo ang sarili ko. Healing should come naturally in you..."

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Where stories live. Discover now