Kabanata 18

351 22 4
                                    

Ranch

"Wait for me shortly. Magpapalit lang ako pagkatapos ay ihahatid na kita sa site," bulong ni Apollo sa akin.

Tiningnan ko siya at mas inayos ang upo ko sa malambot nilang couch dito sa kanilang bulwagan. Marahan ang naging pagtango ko makaraan ng ilang sandali.

"This won't take long, Mama...Lola." There's an edge on his voice when he turned his head on the direction of the people who's with me right here.

Nang mapasulyap ako sa mga babaeng parehong importante kay Apollo, wala akong ibang maisip kung hindi ang naging turan ko sa kanila kanina. It really took all my gut to greet them when Apollo and I entered the mansion.

"M-Magandang umaga po, Doctora... Madame," nanginig ang boses ko nang banggitin ko kanina ang pinakasimpleng pagbati na alam ko.

After years, I wanna make a good impression for a man again, pilit na isinantabi ko sa isip ko ang sinabi ng Lola niya na kaboses ko iyong si Leoneira. May kirot na ngang umuukil sa didbib ko, ayaw kong hayaan ang magulong utak ko na gatungan pa ito ng ibang mas nakakasakit na mga ideya.

Nasa Mama at Lola ni Apollo ang atensyon ko ng ilang mga segundo kung kaya't gulat ako nang sa mismong sa harap ng mga ito ako hinalikan ni Apollo ng buong suyo sa tuktok ng aking ulo.

"Papanhik na muna ko..." aniya pa bago tumalikod at tinahak ang hagdan paakyat.

Nang kuhanin ko ang aking pansin mula sa bulto niyang papalayo, hindi ko naman napaghandaan ang parehong may kahulugang tingin ng dalawang eleganteng mga babae na dapat ay aking pakikiharapan.

Nakahanda na sa babasagin nilang center table ang iilang klase ng pagkain at inumin. Inihatid pa ito ng tatlong unipormadong katulong nila. Ang kanilang bulawagan ay nagsusumigaw ng karangyaan. Halos masilaw ako sa disenyo at mga palamuti na nandidito. With the set up, a good conversation is definitely needed.

The problem is, I really don't know how to start initiating something to talk to. Parang tuloy akong tuod na nakaupo at kandilang nauupos sa titig nila.

"My grandson has always been a gentleman," paunang komento ng Lola niya ang naunang nakaagaw ng pansin ko.

Nakatingin ito sa aking direksyon. "He seemed so gentle on you, hija."

Bumilis ang tibok ng puso ko, agad nag-apoy ang aking magkabilang pisngi. Hindi kaagad ako nakasagot. "G-Ganyan ko na po siya nakilala, Madame..."

Napansin kong napangiti sa sagot ko si Doctora Celestine Montravo. "He's a lot more different when Architect Herberts is around, Mama. Kung nandoon ka lang sana sa signing of contract ni Architect para sa Pueblo Dulce Hospital project, mapapansin mo iyon."

Tumango-tango ang Lola ni Apollo. "Hmm. I wonder, how different compared with how the way he behaved with her before?"

May kung atong tumusok sa aking dibdib. Wala sa sariling napalunok ako at sinalubong ang tingin ang huli.

"I've seen how the years changed my grandson, hija. Matagal ang inilagi niya sa pudir ko sa Manila. Huwag mong mamasamain ang pinagsasabi ko, sadyang isinaalang-alang ko lang ang talagang nararamdaman ng aking apo... kung alin ang totoo, kung ano nga ba ang iba sa sa'yo kumpara sa babaeng inalayan niya ng kanyang buong pagsuyo noon. Ayaw ko lang na baka mapaasa ka lang niya gaya ng nangyari sa iba..."

My heart instantly throb painfully with her phrase. Naguluhan nga lang ako sa huling sinabi niya. Alam kong may laman iyon pero hindi ko magawang makuha kung ano ba talaga ang ibig sabihin niya.

"Pero, mukhang hindi ko kaagad matukoy kung bakit kakaiba ka talaga. Ikaw lamang kasi ang dinala niya dito. Well, aside from Leoneira—"

"Mama, magkaiba iyon! Nagtrabaho siya dito! Huwag mo nang dagdagan pa, please..." Si Doctora Celestine na biglang pinutol ang dapat sabihin ng matanda.

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon