Kabanata 24

365 29 7
                                    

Clinic

Tumabi si Ate Lhettera sa pagtulog sa akin sa gabing iyon. For the first time since I got everything piled up right in the back of my head, I got the chance to slightly look back without letting myself bleed.

"Even after everything he did, I'd still want happiness for him, Ate. Parang labis na kung hihilingin ko pa na balikan niya tayo. Sapat na kayo nila Lola..."

"And, we're too old to wish for him to come home to us, Lauvee. May mga importanteng bagay tayong mas kailangang pagtuunan ng pansin," anas naman ni Ate.

Both on our sleepwear, we came up with a topic about our father.  Hindi man namin iyon iniwasan na pag-usapan, naging tila ganoon na rin ang dating sa mga taong nagdaan.

We both faced everything with our grandmother from the start. Wala pang muwang si Ate at nasa sinapupunan pa lang ako nang umalis siya para sa ibang babae ayon na rin sa kwento ni Lola.

Yes, we both grew up wondering how it felt to have a father figure, but then we didn’t really aspire to have one. Pareho naming itinago ni Ate ang pag-aasam ng pagkalinga niya at ngayon lang namin ito naipabatid sa isa't-isa.

“Do you think we have another sister from another woman?” Napatanong ako.

“I don’t know, Lauvee. Hindi rin ako interesadong malaman pa. Basta, ikaw lang ang kapatid ko,” sagot naman ni Ate.

Napabaling ako sa kanya at napangiti. Ganoon din naman para sa akin.

I lost tract on what time we both fell asleep after that. We run into several topics hanggang sa namigat na ang talukap ng mata ko. I am not certain what was our last topic, basta ay sigurado akong ako ang naunang nakatulog.

Kinaumagahan, huli pa akong nagising kay Ate. Gusot na lang ng kama sa tabi ko ang naabutan ko. Nang puntahan ko si Ate sa kwarto niya, saka naman na bumigat ang kalooban ko sa ginagawa niyang pag-iimpake.

“Aalis ka na,” I stated that because I am certain that it is what she’s about to do.

She zipped her trolley before she turned around and face me.

“Nakalimutan ko nang banggitin sa’yo kagabi,” aniya. “I couldn’t stay any longer here in Pueblo kahit gustuhin ko man, Lauvee. My production team needs me in Manila…”

I cannot help but be emotional about it. Mukhang nabahala pa nga si  Ate, pero I assured her that it is just because I will miss her a lot. Naiintindihan ko naman ang klase ng trabaho niya.

“We’ll face time, okay? I need an update from you. Manghihingi rin ako ng update sa’yo mula kay Apollo.” Sumimangot siya. “Aba, ikaw lang ang suportado ko dito, I still need to test his motive even when I’m away. I am really not convince that it’s just plainly about your healing.”

Makahulugan ang ngiti ni Ate. Asiwa man dahil doon, mas gusto ko iyon kaysa nakikita ko na seryoso lang siya at malayo ang iniisip. Patungo kay Adam Clavesta na nasa Manila…

Umiling na lang ako at pinahid ang tumakas na luha. Sinamahan ko siya hanggang sa hapagkainan. Nagpaalam siya kina Lola at Tiyang Gina. Hindi na nga nagulat ang dalawa. Sabagay, kahapon pa naman dapat sana ang alis niya.

Ako naman ang sinamahan ni Ate nang sumapit ang alas otso ng umaga. Bumusina na doon ang kotseng pagmamay-ari ng taong susundo sa akin dito.

“I’ll leave by noon,” imporma ni Ate sa akin. Siya na mismo ang nagbukas ng gate para sa akin. “Sasamahan lang kita at para na rin makaharap ko siya bago ako umalis sa araw na ‘to.”

Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. She sophisticatedly graced beside me even with her simple maong shorts and white tee shirt. Hindi na ako na nag-isip kung ganoon rin ba ang dating ko sa dark jeans ko at simpleng ruffled pastel blouse.

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Where stories live. Discover now