Kabanata 23

253 22 3
                                    

Support

Lumabas kaming magkahawak-kamay ni Apollo galing sa aking kwarto. Nang marating namin ang huling baitang ng hagdan, agad kong nasalubong ang mga mata ni Ate at Lola.

They are both sitting on the sofa. Sa tagal ng sandali ng pag-uusap namin ni Apollo, hindi ko mawari kung sa buong durasyon noon ay naghintay lang talaga sila dito sa sala.

Alerto at may pangamba kaagad ang mga mata nila lalo pa't nakita nila ang pamumugto ng aking mata.

Nang bumaba ang direksiyon ng pagkakatingin nila, kitang-kita ko pa ang pagdiin ng mga titig nila sa magkasalikop na mga kamay namin. Ilang segundo pa nga ang inilagi doon ng mga titig nila.

"La, Ate..." I croaked in a small voice. "L-Labas lang po muna kami ni Doc Apollo. Diyan lang po sa pergola sa likod-bahay."

Doon pa lamang sila muling nag-angat ng pansin.

Lola is already teary-eyed. Ipinagpalagay kong dahil sa galak na marinig akong magsalita. Mukhang hindi pa sapat ang interaksiyon namin kanina. I know she really missed hearing my voice.

Pinakatitigan naman ni Ate Lhettera ng mariin si Apollo sa tabi ko. Kaagad ang naging pagtango ni Lola kung kaya't ang pahintulot na lang niya ang hinihintay naming dalawa.

Gusto ko man malaman kung ano ang nasa isip niya patungkol sa amin ni Apollo, naisip kong hindi na iyon usisain pa. What matters now is Apollo staying, pledging to help in healing me.

"Lhettera," anas ni Apollo. "She need to breathe some fresh air. Please, let her..."

Doon pa lang tumango si Ate. Wala mang mga salita na lumabas sa bibig, nahihinuha ko naman ang dami ng gusto niyang sabihin mula sa mga mata niya. Naisip kong mamaya ko nga lang iyon papakinggan lahat.

Sa ngayon, gusto ko munang huminga ng mabuti. Malaking bigat ang tila nawala sa balikat ko. Ngayon ko napag-alaman na ilang taon ko na rin iyong naging pasanin.

Now that I shared it towards someone, gumaan ang pakiramdam ko. I know I still have the tremors of my trauma, but at least I finally succeed on telling the huge part of how it started.

"Madame, sa likod bahay niyo lang po muna kami. Ako na po muna ang bahala kay Lauvreen."

Tinanguhan pa muna ni Apollo si Lola bago kami dumiretso sa pergola sa likod-bahay.

As we sat on the installed wooden chair there, my brain felt at peace. Malakas man ang tibok ng puso ko, alam kong dahil lamang iyon sa lalaking katabi ko.

The remnants of the heaviness of our talk seemed to be blown away by the fresh air of Pueblo Dulce. Nasasaktan pa rin ako doon dahil sa naiisip ko kung gaano kasaklap na pinagdaanan ko iyon, pero ang kaalamang nandidito si Apollo ang dahilan kaya panatag ang puso at isipan ko.

Halos sabay ang paghilig ko sa balikat niya at ang subok niyang paglalaro sa mga daliri ko. Nang pumikit ako, mas nadepina tuloy ang panginginig niya habang pinapasadahan ng marahang hawak ang aking kamay.

"Apollo," tawag ko sa kanya. "Stop shaking. You don't have to conceal it to me. You're not going to trigger me this time..."

Umalis ako sa pagkakahilig sa kanya at patagilid siyang liningon. Natitigan ko kaagad ang kadiliman sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, hindi na ako nag-abalang hanapin pa ang lambot sa kanyang mga mata. It would be futile when it’s obvious why he is seething with anger right now.

“I need to keep concealing this seething anger I have inside, Lauvreen. I don’t want this to eat me up in front of you, even when it’s making me livid. Sa ngayon, mas importante na gumaling ka higit sa lahat ng bagay at ng aking nararamdaman dahil sa mga nangyari sa'yo,” aniya.

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Where stories live. Discover now