Kabanata 3

781 41 30
                                    

Baylehan

"Engineer Tobias Zajares..."

He extended his right hand for a handshake.

"Lauvreen Herberts," naisaad ko. Halos mag-atubili ako sa pag-abot ng aking kamay. "A-Architect Lauvreen Herberts..." muling saad ko nang magkadaop na ang aming mga palad.

The Engineer smiled at me and then he motioned the nearby table that was set along with the stall of mango shakes and pastries for sale. May iilang mga taong prominente kung tingnan ang nakaupo rin malapit doon.

May narinig akong bumati pa kay Ate at dito kay Engineer Zajares habang umuupo kami sa bakanteng mga silya na nakapalibot sa lamesa. Agad ang paglapit ng isang ale para maglapag ng inumin at isang hindi pamilyar na recipe ng pastry.

We started eating. At first, it was silent. Moments later, some casual questions were asked by Engineer Tobias towards Ate Lhette. Ganoon rin naman si Ate dito. Nagkapalitan na rin sila ng paunang konbersasiyon makaraan ang ilang palitan ng mga tanong.

"Adam said he's busy in Manila. Mukhang mauuna pa na pakasalan niya ang kasikatan kaysa sa'yo, Lhette." I don't know if it's meant to be a joke.

Natigilan si Ate at bahaw na humalakhak. "We're not in a hurry, Tobias. Minsan sa sobrang pagmamadali, nagkakamali. It will result on falling apart. Alam mo naman yata iyon."

Yumuko na lang ako at binalingan ang kinakain ko na kaunti lang ang nabawas. Ang totoo'y busog pa ako dahil kumain naman na ako mula sa bahay kanina.

"Yeah, I know it exactly, Lhette. Falling apart after falling in love is really possible these days..." Tila may lungkot ang boses ni Engineer Zajares.

"Oh, it's sad..." ani naman ng aking kapatid, malungkot rin talaga ang boses.

Yeah, it's sad, but nothing is more painful on staying in love with the same person who made you feel so lost. Being sad is bearable, but losing someone who meant the whole world to you is maddeningly, excruciatingly, painful.

Ate Lhette was once engaged to Adam Clavesta. Akala ko dahil sa akin kaya hindi magawa-gawang magpatali ni Ate. I didn't know if it was cancelled, mukhang maayos naman sila. Iyon ang sinasabi sa akin ni Ate. Pero, mukhang may alam na hindi ko alam itong inheyerong kasama namin dito sa mesa.

Ilang sandali muli ang nagdaan, nabalik naman na sa akin ang kanilang atensyon. Dama ko na ang pormal na atmospera na nakapaligid sa aming tatlo. He's getting to the main point on why he's here with us.

"I've known your sister for years now, Architect. She didn't mention that she's actually recommending her own sister for my proposed project," saad pa ng inhenyero.

I didn't know either that she's recommending me tonight for a project. Ni hindi ko napaghandaan na ganito kabilis  ang hakbang ni Ate. Wala pa ngang isang oras mula nang sinabi niya sa akin na pumapayag na siyang tahakin ko muli ang propesyong ito ay may nangyayari na agad na ganito.

"This will be just a local hospital expansion project, Architect. Renovation for the ground floor and two-storey addition. Second floor and rooftop for the third floor. Actually, it's for the people of Pueblo Dulce..." He continued talking.

Napahinga ako ng malalim.

Naglakbay ang aking isipan sa una't huling kong proyekto. It was a three-storey building of a private school in Batangas. Sa proyektong iyon, ibinuhos ko lahat ng natutunan ko mula sa limang taon kong pag-aaral ng arkitektura.

Hindi lang ako ang naghirap para matagumpay na matapos iyon. Kasama ko siya...naghirap siya para sa akin...naghirap ako sa para sa kanya. Tama nga si Ate sa sinabi niya. Sa larangan ng arkitektura, siya ang pundasyon ko... siya ang naging buhay ko. Hindi ako sigurado kung makakaya kong magtrabaho na iba na ang makakapareha ko sa isang proyekto.

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Where stories live. Discover now