Kabanata 6

728 36 12
                                    

Konektado

Gusto kong pagsisihan ang pagpayag kong maging arkitekto ng hospital expansion dahil lamang sa doktor na iyon. Ngunit, kahit anong pag-iisip ang gawin ko, wala akong makapang mas matimbang na rason para hindi iyon tanggapin.

Ano ngayon kung may similaridad sila?

Technically, he's part of the board of the hospital that needed an expansion. Maaaring partial owner pa nga siya. Bukod doon ay wala naman siyang kaugnayan sa akin.

Hindi niya hawak ang pag-iisip ko. Hindi niya alam na bawat salita niya ay unti-unti niyang hinuhukay ang nakaraan namin ng taong hanggang ngayon ay hindi ko magawang mabitawan.

"Bakit hindi ka agad pumasok, apo? Nahamugan ka na tuloy doon sa labas." Si Lola iyon, nakasunod sa aking bawat hakbang.

Siya ang pumutol sa aking pagkakatulala sa labas ng bahay kanina. Napakurap na lang ako nang pinagbuksan niya ako ng gate upang makapasok sa loob ng bahay.

"Kumusta naman ang lakad mo, apo? Tinanggap mo ba ang proposisyon ni Engineer Zajares?" tanong pa ni Lola patungkol sa nilakad ko.

Bumuntong-hininga ako, paunang winaglit ang iba pang detalye ng lakad kong ito. Dapat kong ipagsawalang bahala ang mga sumilaridad na iyon. "Yes, La. It's a great opportunity for me, sayang kung bibitawan ko pa. "

Nilingon ko ang natahimik na si Lola. "Mabuti kung ganoon, apo. Masaya ako para sa naging desisyon mo."

The same soothing voice from my grandmother kept me sain for a year and a half. Idagdag pa ang ingay ng telebisyon sa sala at ang hikbi ni Tiyang sa pinapalabas dito na primetime telenovela. Kahit nga ang tunog ng gangis sa labas ay nagsasabing tama ang naging desisyon ko. Unti-unti na akong natututo na muling humabol sa ikot ng mundo, walang tao ang pwedeng magpigil sa mga hakbang ko.

Napansin ni Lola ang paggala ng paningin ko. "Gutom ka ba? May pagkain pa sa kusina."

Umiling ako. Una dahil kumain naman na ako bago ang lakad ko at pangalawa may tao akong hinahanap. "Ang ate, La?"

"Umalis sandali, apo. Sinundo ng nobyo niya. Huwag kang mag-aalala at babalikan ka naman noon. Hindi naman makakalimutan nun na kailangan mo ng kasama sa labas." sagot ni Lola, tunog nanghihingi ng aking pag-unawa.

"Ayos lang naman sanang magtagal si Ate kasama ang boyfriend niya, Lola." Ngumiti ako. Totoong ngiti para sa aking pag-ugnawa. My sister should have her own life far from mine.

"Hindi na lamang ho ako lalakad pa ngayong gabi. Matutulog ho ako ng maaga para hindi tayo mahuli sa appointment ko sa doktor bukas."

Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Lola. "Lauvreen, pwede namang ilipat natin sa hapon ang appointment. Kinuwento sa akin ng kapatid mo na kailangan mo ang ingay sa labas. W-Wala ang ate mo dito, hindi ko alam kung kaya kong... datnan ka sa kwarto mo na..."

Lumapit ako kay Lola at hinalikan siya sa pisngi. "Good night, Lola. Huwag ka na pong magpuyat masyado sa pag-aalala sa akin. I'm gonna take my med and I'll sleep soundly for tonight." Liningon ko pa ng bahagya si Tiyang Gina. "Good night, Tiyang..."

Pumanhik ako sa aking kwarto na iniiwan si Tiyang at si Lola sa halos magkapareha nilang reaksiyon. They were stunned. Maybe, due to doubt or due to worry. Kung alin man doon, sigurado akong dahil sa takot nilang saktan ko na naman ang sarili ko sa kadiliman ng gabi.

Naiintindihan ko naman ang kanilang reaksiyon. Hati rin kasi sa pangamba at pag-aalala ang nararamdaman ko nang pihitin ko ang seradura ng pinto. Pagkalampas ko pa lang sa linyang naghahati sa kwarto at sa labas, inasahan ko na ang pagsulpot ng mga bulong. Ilang minuto ko itong hinitay ngunit kahit isang alaala ng masalimoot na gabing iyon ay walang lumitaw.

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon