Kabanata 9

493 27 9
                                    

Sketch

"I don't want to delay the construction further. Just stick to the original plan, Architect Herberts."

Nag-angat ako ng tingin nang nagsalita si Engineer Zajares.

Medyo nagtagal ang tingin ko sa kanya sa kadahilanang kapag ibabaling ko sa pinsan niya ang aking pansin, maaasiwa lamang ako sa nangangalit niyang ekspresyon. Ayaw kong makita na walang lambot sa kanyang mga mata.

"But, I'll stick to the insights of my employer, Engineer Zajares," matiim kong sabi. Hindi ko alam kung bakit kahit labag sa loob ko, may parte sa akin na gustong sundin ang kagustuhan ni Apollo Montravo.

What's the big deal about freeing some space for his clinic? He have the right to demand changes. After all, he's not the person I wish he could be. He's just the living reminder of him.

"And our employer happens to be my cousin, Architect. In my perspective, hindi tamang madelay ang expansion dahil lamang sa kagustuhan niya," mariing sabi ni Engineer at nagtapon ng masamang tingin sa pinsan.

"The floor plan is really good. Now, it's either we'll be pushing the expansion soonest with the design or he will find other Engineer and Architect. My whole team won't help."

"Tobias!" pag-alma ng taong hindi ko na muli ginawaran ng pansin.

"Engineer Zajares..." naanas ko rin ang pangalan ng inhenyero. Nanlalaki ang mata ko.

Hindi ko inakalang mauuwi sa ganito ang umaga ko. Kumpiyansa ako sa floor plan na ginawa ko. I sacrificed my sleep and rest in making it. It would be unfair for me to disregard the whole floor plan.

"I'll just pay Architect Herberts for the hassle, Apollo. Wala nang mangyayaring pagpirma ng kontrata." Nagpatuloy pa si Engineer Zajares.

I gaped at the engineer.

Kung ihihiwalay ang usapin tungkol sa katauhan ni Doctor Apollo Montravo, sa proyektong ito ako pinakainteresado. Tila biglang nagkapira-piraso ang mga plano ko para sa proyektong ito.

Kasabay ng pagyuko ko ang narinig kong malalim na pagbuntong-hininga.

"Fine. I won't push the change I want for the floor plan. I want your team for the expansion, Tobias." Pumapayag man at sumusuko, matigas pa rin ang tono ng kanyang boses.

"Don't be such an ass, Montravo. You're better than me. I know that you badly want my team and we need to push through the expansion. Tulad mo, may iba rin akong mga plano."

Doon lamang ako ng nakahinga ng maluwang. Nang pag-usapan ang tungkol sa pagpirma ko ng kontrata, puro tango na lang ako. It's like I'm afraid that everything might go the other way if I'll say something illogical other than my formal nod.

Tila napansin naman iyon ni Engineer. Matapos niyang kunin ang nakarehistrong numero sa bago kong cellphone, humingi siya ng pasensiya.

"We're sorry for letting you hear that kind of conversation, Architect. Sana'y hindi ito maging mitya para ikaw naman ang umatras sa proyekto. I really want you for my team," anas nito.

I chewed my trembling lower lip. "Ayos lang, Engineer. Naiintindihan ko. I'm so into the project. Kung mararapatin ni D-Dok Montravo, I can still do the changes he want."

"There's no need for you to do that, Architect. Just... do what you have to do. Huwag kang umatras sa proyekto." Bigla'y saad ni Apollo.

Halos magbuntong-hininga ako sa lamig ng boses niya. Ninamnam ko ang hatid nitong kilabot sa akin bago ako buong-pusong bumaling sa kanya.

"I won't, Doc Montravo. I won't..." Even if I want to, I won't... I just couldn't...

Wala nang namutawi pang salita pagkatapos. Nang tumayo at nagpasalamat si Engineer Zajares, alam kong tapos na ang ipinunta nila dito.

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Where stories live. Discover now