Revenge #29

549 15 2
                                    

A/N: My mind is fcking twisted. Gabayan nawa sana ako ng mga salita para matapos ko ang kwentong ito. Maraming salamat sayo =) Sa hindi pagbitiw.

Revenge #29: Back at one.

 

“Hi! Can I seat here?” Hindi pa man siya nakakasagot sa tanong ko ay umupo na ako sa harapan niya. He stared at me blankly. Nilabas ko ang libro para sa isang major subject na dapat kong pag-aralan dahil may exam kami doon mamaya. Inilabas ko din ang yellow pad at pens ko.

I opened the book and started reading.

 

Good customer service is the cornerstone to a successful customer relationship marketing and management program. Good customer service leads to the first purchase, repeat purchase and then you’ll gain brand loyalty.

 

Napahinto ako dahil naramdaman kong parang may tumititig sa akin. I shrugged the thought. Pakiramdam ko lang naman iyon at wala talaga akong basehan na may nakatingin talaga sa akin.

A company without a formal customer service program will result to a bad customer experience, unlikely purchase, buys rival brand instead and will lead to a lost customer.

 

For the second time around, it felt like someone’s staring straight into my soul. Hindi na ako nakapagpigil kaya isinara ko ang librong binabasa at nag-angat ako ng tingin.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin at halos pigilan ko na ang pag-angat ng sulok ng labi ko. Kinagat niya ang labi niya sabay kuha sa librong binabasa at tinakip iyon sa mukha niya. I bit my lip to supress my smile. Oh God, why did I find him cute when he did that? Babalik na sana ako sa librong binabasa ko ng may mapansin akong kakaiba sa kaniya.

“I don’t know you’re that talented, Migs.” Hindi ko na napigilan ang pag-ngiti.

Ibinaba niya ang hawak at nagtataka akong tinignan. Kumunot ang noo niya at nagtaas siya ng kilay. I chuckled. Humilig ako sa lamesa at ngumiti sa kaniya. Mas lalo siyang nagtaka at halos hindi ko na ma-ipinta ang reaksiyon niya. His lips formed into a thin, straight line. Kinuha ko ang librong hawak niya at inayos iyon.

“Baliktad.” I winked. Pagkatapos niyon ay inayos ko na ang pagkaka-upo ko. Itinaas ko ang hawak kong libro para takpan naman ang mukha ko ngayon. I don’t know but I can’t hide my smile. Gusto ko na din tumawa ng pagkalakas-lakas kaya lang hindi pwede dahil baka isipin niyang pinagtitripan ko siya. Isa pa, nasa library kami. Sigurado akong palalabasin ako rito kapag tumaas at lumakas ang boses ko.

I continued reading and drowned myself to the words of business. Kapag may importante akong nababasa ay isinusulat ko iyon sa papel. Ganoon ako mag-review. Para matandaan ko kung ano iyong binabasa ko ay kailangan ko itong isulat. Honestly, I don't like what I'm taking right now. At hindi ko pa talaga alam kung ano ang gusto ko sa buhay noong nagtapos ako ng High School. I'm not good in Math nor Science but I love Arts and English. And the sad truth is, I don't have any say about the course I want to take. That's the odd thing about parents, they don't let us to have our own choice. Kaya ayun, hindi na ako nakipagtalo kay Papa noong sinabi niyang Business Management ang kuhanin kong course. They need a heiress for their company so they molded me as one whether I like it or not. I don't have some options anyway.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon