Revenge #21

509 15 1
                                    

A/N: At talaga nga namang na-isingit ko pa 'to kahit may exams pa ako bukas. Sobrang haba pa. Dedicated to TilapiangWriter. Thank you so much for appreciating my work. Salamat din sa mga sumusubaybay at nagbabasa nito. Teleserye lang ang peg. Pasensiya sa matagal na update. Nakaka-stress ang school works. Sorry for the typos. Enjoy!

Revenge #21: Celebrating the fall.

“Wuhooooo! Let’s party!” Sigaw ni Faye sa gitna ng ingay sa paligid. Itinaas niya ang dalawang kamay at winagayway ito. May hawak siyang kulay asul na inumin sa kanang kamay at natapon ito. Natawa lang siya dahil natalsikan siya saka nilapag sa lamesa namin ang baso.

Napayuko na lang ako. I am 100% sure that she’s drunk. Nahuhulog na ang isang strap ng dress niya. Mataray at hindi ganyan ka-wild si Faye kapag nasa matinong pag-iisip siya. We were inside a bar. Naka-upo kaming dalawa ni Den samantalang sina Rain at Jat ay nagwawala sa dance floor.

Umupo siya sa tabi ko at hinila ang braso ko. “Come on, Snow. Let’s party!!” Parang batang sabi niya. Hinila niya ako patayo pero hindi ako nagpatinig. I remained firm.

She pouted. “Ano ba yan? Bakit ang kill joy mo ngayon? We need to celebrate your victory! Our victory!” She shouted. Oh please, she was so annoying.

Nagkibit-balikat lang ako at hindi ko siya pinansin. She kept on disturbing me. Panay ang atungal niya sa tabi ko. Nagsawa na rin siya siguro dahil umalis siya pagkalipas ng limang minuto. Bumalik siya sa dance floor at doon nanggulo. Kinuha ko ang isang can ng beer at ininom ito. Pinagmasdan ko ang paligid. Nakakasilaw ang neon lights na sumasayaw sa maingay na tugtog ng bar.

We were celebrating for my victory. But I am not happy. Hinanap ko sa kaloob-looban ko ang kahit katiting na saya pero wala akong matagpuan. I felt empty. Hindi ako nakaramdam ng guilt pero hindi naman ako masaya. Bakit? Kasi hindi ako iyong nasaktan ni Miguel? Napatitig ako kay Rain na may kasayaw na lalaki. Is she happy? Nararamdaman ba niya ang hindi ko maramdaman? Masaya kaya siya sa ginawa ko? Natakpan kaya lahat ng butas sa puso niya dahil sa nasaksihan niya kanina? Nawala ba ang lahat ng sakit?

Pinilig ko ang ulo ko para mawala sa utak ko ang mga bagay na iyon. I shouldn’t think about it. Dapat nagsasaya ako. Karapatan ko iyon. I waited for almost four months and finally, all my sacrifices paid off. Nagtagumpay ako! Parang gusto kong pukpukin ang sarili ko o kaya ay sumigaw ng pagkalakas-lakas. Nagtagumpay ako! Napaiyak ko si Miguel! God, I don’t know what to feel or do. Bakit hindi ako masaya? I can't help but question my self.

Huminga ako ng malalim at inisang lagok ang hawak kong can ng beer. Tumayo ako. Inayos ko ang damit ko. I am wearing a short high neck lace dress. Kulay itim ito. Inayos ko ang nakakulot kong buhok at nagtaas ako ng noo. I am Snow Agatha Vasquez and I made Miguel Patrick Robles cry. Therefore, I should celebrate. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Nagsimula akong humakbang papunta sa dance floor. Tinitigan lang ako ni Den habang umiinom siya ng Iced Tea. Hindi ko siya masisisi. Pinilit lang siya ni Rain na sumama dito. She hates going to bars and partying. Napapadpad lang siya sa mga ganitong high-end bars kapag may gig kami.

I fought my way to the center of the dance floor. Marami akog nabangga at marami ding nakabangga sa akin. Pinunasan ko ang braso kong malagkit dahil sa pawis ng mga nasasagi ko. Nang makarating na ako sa gitna ay nakahinga ako ng maluwag. I turned around. Nagtakip ako ng mukha. Darn, ang sakit ng mata ko. May lumapit sa aking lalaki. He's probably in his early twenties. Hinapit niya ang bewang ko at inilapit niya ako sa kaniya. Napahawak agad ako sa dibdib niya.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon