Revenge #5

687 13 0
                                    

A/N: Kung may nagbabasa man nito. Please leave your thoughts in the comment box. Thank you!

Revenge #5: Deep and hard.

“So saan ang punta mo ngayon?” Tanong ko kay Migs habang naglalakad kami sa hallway. Hindi na maalis ng mga dumadaan ang tingin nila sa amin. Or should I say kay Miguel.

“Sa Audio Visual Room. I have a class there.” Sagot niya.

My face lightened. “Really? I have a class there too. English 1. Kay Miss Gomez?”

Tumango siya at ngumiti. Gosh, kung swineswerte ka nga naman. Siguro, sumasang-ayon talaga ang tadhana sa akin na gantihan ko si Miguel para kay Rain. Tignan mo na lang ngayon, ang balak ko talaga ay kausapin lang siya at sabayan kung saan man siya papunta. Kung hahanapin niya si Jana, sasama ako pero hindi ko inaasahan na pareho pala ang destinasyon namin.

“Why not let's grab some snacks first? Maaga pa naman." I casually said.

Sumang-ayon naman siya sa gusto ko kaya hinila ko na siya pababa. Patungong cafeteria.

Pumila muna siya bago ako binalingan. "What do you want?"

"Uhm." Napatingin ako sa board kung saan nakasulat ang menu para sa araw na ito. "Fries and chicken sandwich. Tapos pakisabi damihan yung ketchup ha. Thanks."

Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng 500 at inabot ito sa kaniya.

Nakasimangot niya akong tinignan. "We've been friends for a month now Snow and you already know that I don't let girls pay for their food when I'm around."

"Really?" Inosente kong tanong. "Dapat pala lagi akong dumikit sayo para palagi akong nakakalibre." I winked at him.

Natawa siya sa sinabi ko. Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Silly." Then he pinched my nose.

"Aww." Hinampas ko ang balikat niya. "Di ka pa nakuntento sa panggugulo ng buhok, nangurot ka pa! Sabihin mo nga sakin, sadista ka ba?"

Natawa na naman siya dahil sa sinabi ko.

"Teka mukha ba akong clown?" Tanong ko bigla.

"Nope. Why?"

"Tawa ka kasi ng tawa eh." Singhal ko sa kaniya. Bwisit to. Gawin daw ba akong payaso.

"Ahh. You're too cute." Sagot naman niya.

Inirapan ko siya. "Heh! Tigilan mo ko. Hindi ako aso kaya hindi ako cute. Umorder ka na nga!" Utos ko.

"Ahh you never fail to amuse me."

Tinawanan na naman niya ako. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at hinayaan siyang kausapin ang nasa counter. Napa-irap ako sa inorder niya.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon