Revenge #20

446 13 3
                                    

Revenge #20: Tears of the Enemy

"Are you willing to love me back?" Miguel asked while looking at Jana intently.

Hindi siya agad nakapagsalita. Para kaming nanunuod ng isang pelikula na may batas na bawal huminga. Parang gusto kong kumain ng popcorn. Lumakas ang ihip ng hangin at hinipan nito ang mahabang buhok ni Jana. Her mouth was wide open. Her eyes grew bigger than the usual size. Marahil ay inaasahan niya na ang pangyayaring ito pero hindi pa rin siya makapaniwala.

Hinawi ni Miguel ang buhok niya at inipit ito sa kaniyang tainga. Napayuko siya. She wiped her tears using the back of her hand. Nakatitig lang si Miguel sa kaniya. Waiting for her answer. And I am waiting for her answer too. Kating-kati na akong marinig ang sasabihin niya.

Napaatras siya. Isang hakbang.

Nilunok niya ang bara sa lalamunan niya. "I-I'm.." Nanginginig ang labi niya. Dalawang hakbang.

Bakit siya kinakabahan? At anong gusto niyang sabihin? I'm what?! Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko. The spotlight's on her now. I can't steal it. Hindi ako madaling magtiwala pero ngayon ay pipilitin ko ang sarili kong pagkatiwalaan siya. She is the lead character of this story. I should trust her to make this show damn unforgettable. Wag na wag niya lang akong bibiguin dahil malilintikan talaga siya sa aakin. She doesn't know what I can do.

Her tears are rolling down again. Kinakagat-kagat niya ang labi niya habang si Miguel naman ay nakatitig sa kaniya nang may saya at pag-asa sa mata. That's it, Miguel. Be hopeful. Wish to all the genies you knew that she would say yes. But hell, I'm willing to gamble anything for them to not grant your fucking wish.

"I'm.. s-sorry.." Jana whispered pero rinig na rinig ito dahil naka-lapel siya. Napasinghap ang mga tao sa likod ko.

Shit! Anong ibig sabihin niya?

Bumagsak ang mga balikat ni Miguel at ganon din ang akin. Napamura na ako sa pwesto ko. Mariin kong itinikom ang bibig ko at ikiniyom ang palad ko. Tinitigan ko si Jana. Shit. Hindi to pwedeng mangyari!

Pero mas lalo akong napamura ng makita kong tumalikod siya. Shit! Bumagsak ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid niya. Nabitawan niya ang hawak na bouquet at gumulong ito sa damuhan. Napayuko si Migs. Napatingin si Jana sa stage kaya nagsalubong ang mga paningin namin. Nahagip niya ang nag-aapoy kong mata na kanina pa siya pinapatay ng tingin. Nagngitngit ako sa galit. Nag-iinit ang ulo ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Dapat lang!

"Try me." I mouthed. Just fucking try me, Jana and you don't know what will happen to you! Damn it! Just try!

She closed her eyes and shook her head once again. Pumihit siya paikot at muling humarap kay Miguel. Muling nabuhayan ang lalaki. Maging ako ay ganun din. 

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "M-migs." She said while fidgeting. "T-thanks for being there for me all the time. But.." She suddenly stopped. And I swear my heart stopped too. I wanna shout words of wisdom to her but I can't. Gusto kong takutin siya.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon