Revenge #28

459 12 1
                                    

Revenge #28: Let's start again

"What the fuck, Miguel?" Naibulalas ko sa gulat. Hindi lang naman ako ang ganoon ang reaksiyon dahil halos lahat ng nasa cafeteria ay napasinghap. Nanlaki ang mata ni Jana at napanganga si Josh.

Parang wala lang iyon kay Miguel. Pagkatapos niyang yakapin ang dati niyang sinisinta ay nakipag-high five siya kay Fred, Wes at Josh. He even hugged the girls too. Lahat kami ay nagtataka siyang tinitigan. Narinig ko pa ang bulung-bulungan ng katabi ko na sobrang bait naman daw ni Miguel at pagkatapos nang lahat ay nagawa niya pang yakapin si Jana. Nagpapanting ang tenga ko sa mga naririnig ko at sumasakit ang mata ko sa nakikita. Ano bang gusto niyang ipalabas? Kung makapangamusta siya at makapagbati ay akala mo walang nangyari.

"Grabe, hanga na ako sa kaniya. Sobrang martyr. Sinaktan na nga't lahat-lahat, mabait pa rin." Wika ng babaeng naka-crop top at kitang-kita ang tiyan sa katabi niya. Nagtawanan silang dalawa at sabay na umiling.

Ibinagsak ko ng malakas ang tinidor at tumayo. I grabbed my things and walk towards my former 'friends'. Abala pa rin sila sa pag-a-update sa isa't isa tungkol sa mga nangyari nang nagdaang buwan. Nang makalapit ako sa kanila ay si Kate ang unang nakakita sa akin. She was about to open her mouth when I stopped her by grabbing Miguel's arm. Pinutol ko ang kung ano mang ibinabalita niya sa kaharap at hinila siya palayo sa kanila at palabas ng cafeteria. I don't care how many eyes were following me. Dahil wala akong paki sa atensiyon at opinyon nila.

"Hey, miss! What are you doing?" Tanong niya na nakapagpainit ng ulo ko. What am I doing? Obviously dragging you to somewhere so that I can ask you the same question!

Pinakatitigan ko lahat ng mga nakatitig sa amin habang tangan si Miguel. Wala akong pakialam kung mas malaki pa kesa sa akin ang bitbit ko. Mabuti na lang at nagpapadala na lang siya sa gusto kong hilahin siya.

"What the hell are you doing, Migs?!" Galit na bulalas ko matapos ko siyang mailayo sa mapanuring mata ng publiko. We were standing inside the parking lot. Binitawan ko ang braso niya at nakahalukipkip siyang tinitigan habang nakataas ang kaliwang kilay. I don't get him. I don't get him at all.

"Excuse me?" Wika niya na para bang hindi narinig o naintindihan ang sinabi ko. Ang sarap niyang batukan. Sa totoo lang.

"Don't act like you don't know anything! What happened? Higit isang buwan kang hindi nagpakita tapos pagbalik ay parang wala lang? Ano ba talaga ang nangyari? Why did you disappear suddenly then you reappear again as if nothing happened?" Inis na bulalas ko. I can't contain my worry and anger. Kung ako ang napahiya at nabasted noon, I wouldn't dare hug that bitch. I know it's my fault that he was embarassed but as far as I can remember, nasa eksena man ako o wala ay babastedin pa rin siya ni Jana.

Nagtataka niya akong tinignan. "Excuse me miss, pero ano bang sinasabi mo?"

Natampal ko ang noo ko. "Ano ang sinasabi ko? Oh God, Miguel. Do I have to feed you everything? Nasaan nagpunta ang utak mo? Ang punto ko lang naman ay binasted ka na ni Jana pero nagawa mo pa siyang yakapin pagkatapos nang lahat-lahat. Sinaktan ka na at ipinahiya sa buong Ford University pero parang wala lang. Ano bang trip mo?" Napailing ako ng bahagya. Nakakabwisit na siya.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon