Chapter 38: Still hurts.

34 1 0
                                    

Exactly five days after that incident I didn't come to work. Jizika was in charge of the store habang ako nagkukulong sa bahay. Kung anu-anong gulo lumalapit sakin kapag nasa labas ako. Mabuti na magkulong dito para less damage.

"Ate nasa baba si Kuya Lewis." Nakabusangot na 'yung kapatid ko. "Bumaba ka na kasi Ate napapagod ako maging messenger niyo. Aalis pa ko." Reklamo niya sakin. "Hayaan mo kasi sinusunod mo siya eh." Pinakita niya sakin 'yung PC game na hawak niya. "May suhol kasi." Saka siya lumabas ng kwarto. Mga lalaki ang daling madaan sa suhol.

"Hoy saan ka?" Tanong ko sa kanya. "Birthday po ni Joshen I'm going. Sama ka?" Balik niyang tanong sakin. "Try ko sumunod text na lang kita." Saka siya umalis.

Nung makaramdam ako ng gutom saka ako bumaba. "Manang!" I called out habang naghahanap ng kasama sa bahay. "Wala atang tao dyan. Gutom ka na?" Nasapo ko ang noo ko. "Grabe naman naiwas na nga ako hindi pa ba halata?" Reklamo ko sa kanya.

Lumapit siya sakin "Oppps! 1 meter away!" Habang pinipigilan ko siya lumapit. Nagkunot ang noo niya until he talked "Alam mo anong problema sa'yo?" He paused at pinatong 'yung paper bag sa table. "You keep pushing away people who wants to stay in your life." He smiled.

"Gutom ka lang Baby kain ka na, alis na ko." Saka siya lumabas. Sa sobrang dala ko sa eksena I ran after him. "Why are you doing this?" I asked.

Humarap siya sakin bago nagsalita. "Let's just say natutulungan mo ko maka move on. Rebound for short but the weird part I'm starting to like you." He continued walking away and when he's about to go in his car "At ang pinaka enjoy na part I have to endure the pain of moving and pain of liking someone na iba ang mahal." He smiled. "Tawag ka ha kapag magpapahatid ka." Then pinaharurot niya 'yung kotse niya.

Is he serious? "Why is everyone giving me hard time?" Bulong ko sa sarili ko. Bawat oras ata na ipagtitigil ko dito eh papatayin ako sa nerbyos ng mga tao.

Bumalik ako sa loob para kumain pero halos 'di ko malunok bawat pagkaing nilalagay ko sa bibig ko. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko para matulog nang nagvibrate 'yung phone ko.

"Hello."

(Tita Ysh!!!! Punta ka po mamaya!) Napabangon agad ako nang marinig ko 'yung salitang Tita. Pagtingin ko number ni Sean.

"Let me talk to Sean. Please Joshen."

(Okay po) Ramdam ko sa boses niya ang pagka lungkot.

(Ate eh kasi -)

"Saan ba 'yung party?"

(Ano?!!)

"Sabi ko saan 'yung party? Maliligo lang ako tapos bibili ng regalo tas didiretso na ko dyan."

(Seryoso ka?) Gulat na gulat ang tono ng kapatid ko.

"Sabihin mo na bago pa ko tamarin."

(Uhm secret! Ipapasundo na lang kita.)

He ended the call without giving me the chance to speak. Naligo agad ako saka nag-ayos ng konti.

Bumaba na ako at naabutan ko si Lewis na nakasalampak sa sofa. "Kailan ka pa nagka susi ng bahay namin?" Ngumisi siya saka tumayo. "Iniwan mong bukas. Alam mo baby kung kailangan mo ko pwede mo naman ako itext o tawagan. Bakit kailangan kapatid mo pa tatawag sakin?" Nilapitan ko siya saka sinikmuraan. "Ako tigil-tigilan mo ko kaka baby mo. Una kinikilabutan ako. Pangalawa wala akong isusukli diyan sa feelings mo. Pangatlo kung mamalas-malasin ako at nahulog sa'yo mahirap na. Kaya Lewis kung pwede boundary sa friendship natin ha?"

Inakbayan niya ako at hinigit palabas "Kapag nafall ka may gamot ako dyan 'wag ka mag-alala." He winked at me. "Saan tayo?" Well 'di ko rin alam saan. "Nearest mall malapit sa birthdayhan ni Joshen." Sabi ko.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon