Chapter 13: Madrigals in Trouble.

367 4 4
                                    

Lewis’ POV

Pwede na ba magloko na lang ulit ako? LOL. Ang hirap naman magseryoso eh. Tae. Mas madali magpakagago kesa ganito.

Yung feeling na minsan ka na lang magpakatino parang lagi ka pang napagdududahan na nagbibiro lang. Mapapadalawang isip ka tuloy kung go lang ng go o wag na lang.

Hindi kasi mavalue o mapansin yung effort mo. Yung mali lang lage ang mapapansin. Kahit mas madalas yung effort sa pagkakamali. Isang pagkakamali mo lang todas ang lahat ng nagawa mong effort. Back to zero.

Kumbaga sa Tom’s World kapag nagka power interruption walang balikan ng token o hindi mo na pwedeng marecover yung nilalaro mo.

Minsan nga naisip ko na lang maging babae. Alam mo yun? Parang mas madali buhay nila sa love reklamo lang sila.

Samantalang kame mag-effort ka’t hindi kasalanan mo. Para bang ikaw lang may pananagutan sa lahat ng bagay.

Napakagulo ng mundo. Nakakasakit ng ulo.

“MR. MADRIGAL! You’re not listening for the nth time!” – Ms. Salvador.

See? Kasasabe ko lang, mga babae talaga. =_________________________=

“Can you repeat the question Ma’am?” – Ako.

“See?! Anong problema?! Sabe ko naman sa’yo wag ka na uling papasok sa klase ko kung lutang ka! Get out of this class!” – Ms. Salvador.

Bongga. Bait naman talaga sakin ng tadhana.

Halos hindi ko na nga maikumpara ang sumpa at simpleng araw kasi halos pareho lang. Di ko alam kung pinagbabayad pa din ako sa naging kasalanan ko kay Zharm o may balat ang Kuya ko sa pwet pati ako dinamay sa kanyang kamalasan.

*BLAG*

“Shit! Di kasi tumitingin sa dinadaan—”

“Miss sorry.”

Nakatungo kasi ako. Sorry patanga-tanga lang.

“Gamit mo pa—” – Ako.

Si Bela pala. Bakit ba tuwing kaharap ko tong babaeng to natitigilan ako. Tumitigil yung mundo ko.

“Lewis yung gamit ko may klase pa ko.” – Bela.

“Aantayin kita mamaya sa field after ng klase mo.” – Ako.

Tinalikuran niya lang ako pagkahablot niya ng gamit niya. Kung di ko lang talaga mahal tong babaeng to pinapabayaan ko na siya!

“May klase ka diba?” bigla siyang napatigil sa paglakad.

“Napalabas ako. Concern ka na ulit sakin?” tanong ko.

Matagal siya bago nakasagot.

“No. Don’t loiter around. Magstay ka sa one place. Fix yourself Lewis. You look trash.” – Bela.

Konti na lang Bela mag gigiveup na ko sa’yo. Hindi ko pa lang talaga kaya. Pero pag lagi kang ganyan baka  matauhan na ko.

“Sa soccerfield na lang mamaya aantayin kita.” – Ako.

Yun yung mga huling sinabe ko sa kanya at umalis na ko. Naiinis ako. Di ko alam kung dapat pero ang insensitive niya. Bute sana kung minsanan. Hindi eh. PALAGE.

Andrei’s POV

Simula nung umiwas ako kay Ashley maraming nagbago. Nagbalik loob ako sa Bestfriend ko. I feel bad for the times I said I was busy pero hindi naman talaga, minsan tinatamad lang ako pagnagyayaya siya lumabas. Minsan inaalipin ako ng Ate niya kaya siya hindi ko masamahan.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon