Chapter 26: Last Date.

179 3 5
                                    

Carl's POV

Di ko na namalayan na napalitan na pala ang role ni Ysh isa na pala siyang kabute. Bigla na lang susulpot kung saan at magyayakag kung saan niya maisipan.

Una yung sa club house na may dala siyang cake and all kasi daw di nacelebrate birthday ko. Parang inamag na yung event na yun pero wala naman akong nagawa kundi sumunod lang sa kanya.

*FLASHBACK*

"Happy Birthday Tamtam Ko! Make a wish!" - Ysh.

"Tam naman last year pa birthday ko." reklamo ko sa kanya.

"Ah de advance happy birthday hahahaha!" - Ysh.

"Sobrang advance hah. Mag bibirthday ka pa eh." - Ako.

Hinawakan ko yung mga kamay niya kaya dalawa na kaming may hawak nung cake. Make a wish daw eh.

More birthdays to come at more birthdays pang kasama ko tong babaeng to.

"Baka kasi sa birthday mo this year wala na naman ako. Hahaha. Okay na yung sinelebrate natin ngayon para wala akong utang sa'yo." tapos ngumiti siya.

*END OF FLASHBACK*

Hindi ako under marunong lang ako sumunod sa mahal ko. =_=

*BEEP*

1 message received

From: Tamtam <3

Baby date ulit tayo. Sunduin mo na lang ako sa labas ng subdivision. See you! :*

---end---

I told you. Hahahaha.

"You're going somewhere?" tanong ni Mama.

"Uhm opo may pupuntahan kami ni Ysh." - Ako.

Ngumiti si Mama. Creepy. -_-

"Tell her I miss her. Punta naman siya dito minsan." habilin niya sakin.

"I will. I have to go Ma." humalik lang ako at umalis na rin.

It's good to see Ysh and Mama na nagkakasundo na. Bute na lang natanggap na rin ni Mama na hindi na niya kame mapaghihiwalay. Ang corny ko na. ge

--

"Ang tagal mo naman kanina pa ko." imagine her saying that na may kasama pang simangot.

"Sorry naman. Saan po tayo mahal na prinsesa?" tanong ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya. @________________@

"Anong nangyari sa pisngi mo?!" Bumalik ba siya sa soccer? Naglalaro na ba ulit siya? May pasa eh ubeng-ube.

"A-aaray naman wag mo ng hawakan masakit nga." pagrereklamo niya.

"Ano ba kasing pinaggagawa mo? Alagaan mo naman yang sarili mo. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon magkasama tayo at hindi ko masasalo lahat ng sakit na nararamdaman mo." - Ako.

Hinawakan niya yung pisngi ko at nginitian niya ko.

"Thank you Tam. Ang dami ko lang sorpresa para sa'yo. Hindi na yun surprise kasi sinabi ko na. Wag ka lang mag-expect masyado ha para di ka masaktan." - Ysh.

"So may balak kang saktan ako ganun?" - Ako.

Umiling siya.

"Baka kasi may mga bagay na magagawa ako na hindi mo magugustuhan tapos masaktan ka humihingi na ako ng advice para dun. I'm doing everything I can para maging sapat ako para sa'yo, always remember that." - Ysh.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon