Chapter 40: Shit just got real.

63 3 0
                                    

The next days were blur. I really miss Andrei. Back in Paris pagkagising ko mukha n'ya agad nakikita ko pero ngayon ni anino n'ya wala. I tried hanging out again with Cyron and Lewis but they were so busy with their life. At ayoko talaga ng pakiramdam na nagiging burden ako sa kahit kanino.

"Wala kang lakad?" bungad sakin ni Jizika. Siya itong halos ngayon ko lang ulit nakita. "You're dating someone," nagsalubong ang kilay ko while checking on her. "C'mon Jizika you can fool that guy but not me." Napatigil s'ya sa pagsasalin ng cereals sa bowl. "I don't do dates," she paused and look me in the eyes "I just fuck." Napuno ng halakhak naming dalawa 'yung kusina. "Siraulo ka kapag nabuntis ka d'yan ha. Safety first." binato ko s'ya ng twalya. May pagkabaliw din talaga 'tong isang 'to.

Matapos 'yung isang magulong umaga namin dalawa. Nagpaalam na ako. "Pasok na ko," nagulat ako when she suddenly hugged me "Ingat ka ha love you!" her voice annoys me most of the time pero kung hindi ko rin ata marinig nakakalungkot. Ewww.

Habang nasa byahe nagchecheck ako ng sched ko and naalala kong ngayon pala 'yung meeting sa school ni Kara. Dapat nagdala ako ng kotse. Makakalimutin ko na talaga sobra.

They welcomed me with smiles at the coffeeshop except talaga sa assistant manager ng store na 'to. Minsan talaga gusto kong patulan kaso 'wag na lang he's not worth my time. Oo kalalaki n'yang tao lakas ng insecurity sa katawan.

"Are you done with the monthly reports?" tanong n'ya sakin sa isang sobrang nakakainsulto na tono. Anong gusto n'yang palabasin? Minsan lang ako pumunta dito pero ginagawa ko mga duties ko. For fucks sake sa akin 'to at gusto ko mang isampal sa kanya but I can't.

"I'm not yet done, SIR. I'm almost done." I emphasized the word Sir. Hay aga-aga sisimulan n'ya ako. "Okay good." he then left my office. "Tangina n'ya!" I heard Andrei cursed. "Why do you have to deal with that asshole? Pucha princess fire him or I'll punch his face once I get there," napangiti ako. Hahahaha. Nagsalubong na naman 'yung kilay n'ya. "What's with that creepy smile?"

"Wala lang. Cute mo mag-alala. Miss na miss na kita." feeling ko ang lungkot-lungkot ng tono ko. "Don't make me feel upset right now. Seriously mas nalulungkot ako ang layo-layo mo sakin."

"Sige na I'll end this call the next time we talk sana nasa harap na kita." I smiled. "Okay. Okay. Be there soon. I'll call you again later."

I can endure no Carl around for the past years but Andrei? Shit I don't think so. I can't handle more pain.


-

Pagdating ng hapon. Napadaan si Cyron sa store. "Alam n'yo malulugi store namin kasi palibre kayo ng palibre. Mapepera naman kayo." reklamo ko habang nilalapag 'yung kape n'ya sa mesa.

"Mas mayaman ka naman kasi." He chuckled. "Paalis ka?" tanong n'ya sakin. "Ah yeah punta ko sa meeting ng staff ko. Wala kasing ibang aattend sa school." Halos maibuga n'ya 'yung kapeng iniinom n'ya. "Ang weird. Ayaw mo naman before ng duties. Eh ngayon nanay na nanay ang dating mo."

"Ganun talaga nagmamature," napangiti ako. "Ba't ka pala napadpad dito? Wala dito si Lewis."

"'Yun na nga sabi n'ya kasi kung pwede raw ba kita samahan mukhang 'yung meeting na 'yun ang tinutukoy n'ya." nagtataka ako kasi wala akong maalala na nagpapasama ako kay Lewis.

"Oh yeah baka si Andrei nagsabi. Wala ka bang ibang pupuntahan?" tanong ko sa kanya. "Mamaya ko pa naman susunduin si Coleen."

Lumapit sakin si Kevin "Ma'am nagtext po si Kara 'di raw po makakapasok at namoved rin next week 'yung sa school meeting."

"Ah ganun? Sige thank you Kevin." Humarap ako kay Cyron "Hindi raw tuloy so sama na lang ako sa pagsundo mo kay Coleen!" excited ako bakit ba.

"Sure ka? Wala ka na bang duty?" nginuso n'ya pa sakin 'yung Assistant Manager namin na halos lamunin na ako sa sama n'ya tumingin. "Oo sipain ko s'ya eh kala mo kung sino," inirapan ko nga. Lol

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon