Chapter 30: Surprise.

129 3 15
                                    

Ysh's POV

Kanina ko pa talaga pinipilit matulog pero ayaw talaga. Naikot ko na buong bahay namin. Nagulungan ko na buong kama ko wala pa din.

Triny ko na rin mag soccer kaso di ko naman mapatamaan yung ulo ko para makatulog. Hahahahaha.

Naikot ko na rin buong subdivision kaka-bike. Napagod at pinawisan lang naman ako sa ginawa ko.

Dumaan na rin ako kina Carl kanina nagbakasakali akong makita siya. Namimiss ko na kasi siya. Kahit naman kasi anong iwas ko sa kanya wala eh love ko eh kaya di ko matiis.

Pero wala rin akong napala walang Carl ang lumabas sa bahay nila baka umalis din yun. Di ako pinalad makita ang aking pinakamamahal na si Tamtam.

Uminom na rin ako ng alak. Pati na rin gatas. Ayun pinagsaktan lang naman ako ng tiyan. Nagtae lang ako sa ininom ko. Huhu.

Nandito lang ako sa may playground nililibang ko lang sarili ko hindi ko na talaga alam gagawin ko para makatulog.

Tumayo na rin ako at naglakad na pauwi ang sakit nga kasi ng tiyan ko.

Pagdating ko sa bahay ay isang horror house ang nadatnan ko.

"Punyemas kapag ako namatay dito."

Ang dilim kasi inoff nila yung ilaw eh alam namang nasa labas pa ako.

"Mamaya makaapak ako ng kutsilyo dito ay nako Manang talaga." sige kausapin pa ang sarili mo teh.

Kinakapa ko yung dinadaanan ko ay nako may mga nakalawit na tali. Ano ba tong mga lintik na to?!

*CLICK* (A/N: Switch ng ilaw)

"HAPPY BIRTHDAY!" *O*

Napatingin ako sa relo ko at shit eksaktong alas dose. May 2 na pala. Nakalimutan ko na ring birthday ko. Busy-ng busy lang?

"Bakit pa kayo nag-abala?" tanong ko sa kanila.

Grabe kumpletos rekado si Tamtam, Bogz, Bessy, Lewis, Jairo even Jizika andito rin. Hay mahal na mahal ko talaga tong mga baliw na to.

"Di namin alam kung natuwa ka ba sa ginawa namin. Haha." sabi sakin ni Jizika.

Masaya ako. Sobrang masaya ako guys.

Yung mga tali pa lang nahawakan ko ay mga lobo. At yung mga tumutunog na naaapakan ko naman ay mga confetti. Huhu. I love my friends.

"Happy Birthday Tam. Make a wish." lumapit sakin si Carl na may hawak nung cake.

Hinampas ko siya ng bahagya.

"Nakakainis ka. Hindi ko na talaga alam paano susuklian yung mga to. Tam ba't ganyan ka? Thank you for everything." - Ako.

Lalo akong nahihirapan sa ginagawa niya.

*WHOOOO* (A/N: PAGBLOW NG CANDLE LOL)

"Sinong may pakana nito?" tanong ko ulit.

"Syempre yang Tamtam mo." sabi sakin ni Bela.

Hay Carl. You're really giving me hard time.

--

Nakakabusog yung dala nilang carbonara at pizza pati yung cake. Ngayon lang ulit ako kumaen ng ganun karami sa tanang buhay ko.

"Masaya ka ba?" nakakagulat tong lalaking to bigla-biglang nangyayakap sa likod. Minsan nga naiisip ko chinachansingan niya lang ako.

Aba kahit pa mag boyfriend kame dahan-dahanin niya yung pag gala ng kamay niya sa katawan ko. Huhuhu. Manyak pala si Tam. -_- Joke lang kasi.

"Super." matipid kong sagot.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon