Chapter 27: Tres Marias.

162 4 15
                                    

Bela's POV

Sobrang dami na ng nangyayare sa paligid namin. Sa barkadahan namin. Pwede bang hinay-hinay lang Otor? Di pa kame nakaka move on sa isa may kasunod na agad.

"Ako ba talaga yung pinakamasayahin satin?" tanong ni Saab.

Seeing Saab suffer gusto kong balatan ng buhay si Miller! Nakakainis siya! It was his fault after all.

"Yeah. Si Ysh yung pinaka masungit at suplada satin at ako naman ang pinakamabait." I was just stating a fact.

"Ako din pala ang pinakamaganda." then she grinned at me.

Okay di naman ako aangal.

"Ano bang nangyari samin ni Airo?" tanong niya sakin habang hawak niya yung picture nung kasal nila.

Di ko alam kung anong isasagot ko. 

"I look very happy being with him." she added.

Di ko din alam Saab ang nangyari. Itinago mo kasi. Nakakainis ka nga eh para mo na rin kaming tinalikuran the moment na itinago mo samin lahat.

Na echapwera yung presensya namin parang di mo kami kaibigan.

"I want to see Ysh." she requested.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Ysh.

*CALLING BOGZ YSH*

(Oh?) Di nausuhan ng pag hello? Amp.n

"She wants to see you."

(She? Babae yan malamang. Sino?)

"Si Saab ano ba. Nasa Paranaque ka lang nasa Batangas isip mo shunga lang teh? Bangag na bangag lang?"

(Malay ko ba ge punta na lang ako dyan. Asan ba kayo?)

"Sa bahay nila. We'll wait for you Bogz!"

*TOOOOOOOOOT*

"Is she coming?" tanong ulit ni Saab.

Nakakanosebleed na to si Saab. Pati ata pagtatagalog nakalimutan na niya. Huhuhu.

*TOK* *TOK*

Ang bilis naman ata ni Ysh?

O____________________O

"Oh para kang nakakita ng multo diyan?" - Lewis.

"W-what are you doing here? Wala akong maalalang may date tayo ngayon." - Ako.

"Monthsary natin." What?! Ano ba ngayon?!

"Yaaaaaaah Baby andito kasi si Saab bawi ako bukas." - Ako.

"Saab Saab Saab. Ba't di na lang kayo loveteam ni Saab." then he walked out of my house. YAAAAAAAAAAAAAAH!

Hindi niya ba maintindihan? Kailangan kami ngayon ni Saab :(

"Oh bakit umalis si Lewis?" tanong ni Ysh.

"Nagtatampo." - Ako.

"Yuck kadiri yang pout mo umayos ka nga parang lalaki." - Ysh.

Dire-diretso sa loob ng bahay. Feel at home ang bruha. Nakakainis naman si Lewis sumabay pa eh. Bahala nga din siya mas kailangan ako ni Saab. Sorry Baby! ^_^v

--

"May progress ba?" tanong sakin ni Ysh.

"Wala pa din. She's still clueless." - Ako.

Di ko alam ilang buwan pa ganito si Saab. Sabi naman kasi ng doctor baka lang daw kasi nabigla siya sa mga nangyari kaya kailangan daw bantayan si Saab para mamonitor kung may pagbabago na sa kanya.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon