Chapter 31: Love Drunk.

134 1 12
                                    

Lewis' POV

Isang buong linggo na kameng walang palya na pabalik-balik sa bahay nila Ysh pero wala. Wala sa amin ang swerte ni Carl ni dulo ng buhok ni Ysh di namin nakita. Walang kapaguran tong mokong na to.

"Pare nagugutom na ko." wala pa kaming kain mula tanghali anong oras na alas sais pasado. Ayoko naman iwanan tong si Carl baka bukas nakaratay na to.

"Kumaen ka. Mauna ka na Lewis. Mag-aantay lang ako dito." tuwing aayain mo siya kumaen o umuwi ayan lang isasagot niya. Memorize ko na nga eh.

"Babalik ako pare. Wag kang aalis dito ha. Bibili lang ako ng makakain." nagmadali na ko sa pagbili ng pagkain. Parang bata lang yung iniwanan ko at ibinilin ko na wag aalis kung saan ko siya iniwan.

Naaawa ako sa bestfriend ko. Pucha kahit naman puro kalokohan kaming dalawa may puso ako oy. Wag niyo ko itulad sa syota niyang ewan.

Kapag naaalala ko lahat gusto kong paulit-ulit suntukin si Kuya. Malamang di ko naman magagalaw si Ysh dahil baka kami ni Carl ang mag-away.

*Beep*

From: Bela

Di mo pa rin ba ko papansinin? Mag-usap naman tayo.

---end---

*Calling Bela*

(Hello?)

"Aantayin kita sa restaurant sa tapat ng village bilisan mo."

*TOOOOOOT*

Di ko alam paano ko siya kakausapin after nung incident nung birthday ayun di ko siya maharap. Halos kaming lahat di nag-iimikan. Di na rin namin alam anong gagawin kay Carl. Biruin niyo ba naman alam nilang lahat kami ni Carl mukhang tanga na nagulantang sa pangyayari.

Hindi kami nasabihan. Taenang yan.

Kahit galit na galit a-- hindi tampong-tampo lang pala namimiss ko din siya. Nakakasama ng loob kasi pinagtaguan niya pa din ako pero masisisi ko ba siya? Bestfriend niya si Ysh. Nagkataong bestfriend ko lang din si Carl kaya parang nagtanim ako ng galit.

"Lewis?!" yung gulat ng nakakita sakin ay siya ring gulat ko ng makita ko siya.

"A-a-anong gi-ginagawa mo dito?" bakit ba tuwing kaharap ko siya nauutal ako.

"You haven't change a bit. Amin tong restaurant na to." sabi niya sabay hawak sa mukha ko. Shit ano ba to.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad at umupo sa may dulong table.

Gulo na naman to pag naabutan ako ni Bela. Jusko sila na lang po ang pasakitan niyo wag na ako.

Wag siya sumabay sa mga problema ko. Hay nako.

*BEEP*

From: Zharm

Kasama mo ba si Carl? Tita called at isang linggo na raw siyang hindi umuuwi. What's happening?

---end---

Clueless talaga si Zharm? Hindi man lang siya nahagip ng mga chismosa sa paligid?

"Babe!" tawag ni Bela. Alam niya paano paamuhin ang isang matapang leon. Pagkaupo niya wala akong sinayang nag pagkakataon.

"Si Carl nag-iintay pa rin dun sa bahay nila. Wala bang balak magpakita yang bestfriend mo?" pucha masakit pa rin samin bilang lalaki yung ginagawa nila. Itinapon na ata ni Carl lahat ng pride niya.

Wala ng kahit katiting na dignidad ang natira sa kanya.

"I'm sorry Lewis hindi ko talaga matutulungan si Carl. Hindi ganun kalakas ang hatak ko kay Ysh para mabago isip niya." sagot niya sakin.

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon