Chapter 20.5: Ashley's POV

138 2 1
                                    

Ashley's POV

"So that answers everything." sabi ko kay Ysh. Sayang naman yung lalaking yun. Itinulad niya pa sakin si Saab.

Si Saab pa naman yung tipo ng babaeng hindi pa handa sa mga ganun bagay. Mga lalaki talaga magaling lang kapag sa anuhan kapag nagbunga bahag na ang buntot,

Dapat sa mga lalaki kinakadena yung mga ano nila eh para di nakakaperwisyo. Bute kamo kung sila din magbubuntis. Rated SPG po ang POV na ito. K.

"Teka Ate di nag-sink in sakin yung sinabi mo? Anong alam mo dito? Wag mo sabihing may kinalaman ka sa katarantaduhan ni Miller. Kabit ka din niya? Yuck Ate." - Ysh.

*pok*

"Gaga. Wag mong gamitin sa bahay ko yang kabastusan ng bunganga mo baka gusto mo makita kayong lumipad ng syota mo palabas ng bahay ko. Naalala mo nung umuwi ako last August?"

"Oh? Anong konek sa'yo?" litong-lito na siya at napakunot na ng noo

Hindi makaintay ng sagot no? Excited masyado.

"I saw him sa airport. Nagulat nga ako kasi hindi pa naman ako bulag para magkamali. That time sigurado ako. Akala ko nga isusurprise niya si Saab kaya ako naman hindi nakialam." paliwanag ko.

Wala rin naman ako sa posisyon para makialam. Ate lang ako ng bestfriend. Isa lang akong supporting actress sa istorya ng buhay nila.

"Hey Sevilla you can talk." then ngumiti ako sa kanya.

"But that doesn't mean hindi ka na makakatikim ng sapak sakin kapag pinaiyak mo ulit tong kapatid ko. Maging lalaki ka naman this time." - Ako.

Tinignan ako ng masaman ni Ysh. Kahit kainin niya pa ako ng buhay hindi ako natatakot sa kanya. Ibala ko silang mag boyfriend sa kanyon eh.

"That same night pumunta si Cyron sa bahay." biglang nagsalita si Carl.

"So you know? Matagal mo na ding alam?!" napalakas ng bahagya yung boses ni Ysh. Hindi ko alam kung galit ba o gulat lang talaga. Teka may naaamoy akong away.

"Baby go upstairs go take a shower at magpalit ka na ng damit then sleep na aakyat na din si Mommy okay?" 

"HAI!" at umakyat na ang gwapo kong anak. Baka bahiran pa ng takot yung isipan ng anak ko.

Mas malala pa ding magalit si Ysh. She has no control lalo na sa emotions niya. Dapat dito pinapagamot eh. -___________-

"Utang na loob kung mag-aaway ka--"

"Ate wag ka maingay I wanna know the whole story just shut up okay?" teka nabastos ako dun? Pero bago pa man ako nakareact nagsalita na ulit si Carl.

"Kasama niyang umuwi yung ex niya. Buntis daw kasi. Sinabihan ko na siya na ayoko pating madamay sa gulong yun pero nakiusap siya sakin na wag ko sabihin sa inyo. Lalaki naman akong kausap."

Oh talaga kaya pala iniwan mo saglit yang kapatid ko dahil sa nanay mong walang puso? Saan banda ka naging lalaki dun?

"Kaya ganun na lang din yung galit ko kay Cyron nung makita kong nagkaganun si Saab. Sorry Tam hindi ko agad sinabi." patuloy na paliwanag ni Carl.

Oh bakit concern masyado kay Saab? Ikaw ba ang ama ng dinadala?

Ang dami kong side comments naiirita na rin ako.

"I just feel sorry for Bessy. She doesn't deserve this. No one does. Naiintindihan kita Tam may mga bagay talagang hindi mo pa din pwede sabihin sakin pero sana binigyan mo pa din ako ng hint." sa itinagong yun ng boyfriend mo ayan lang yung sinabi mo?

"Wala man lang ako sa tabi ni Bessy nung panahong naglilihi siya. Hindi ko man lang siya nasamahan. *sniffs* Ang sama kong kaibigan Ate." bigla siya humagulgol sa iyak.

OA part na yung humagulgol. Medyo naiyak lang talaga siya.

"Ang mahalaga ngayon magising si Saab. Sino bang nag-aalaga dun sa baby?" tanong ko.

"Si Jairo." sabay nilang sagot sakin.

"WHAT!" teka si Jairo daw? Yung ungas na yun?

"Asan na yung kapatid ni Saab? Baka mapaano yung bata. Hindi ba kayo naawa dun sa bata pagmulat pa lang niya ng mga mata niya isang panget na nilalang na agad bumungad sa kanya." - Ako.

"Di bale dadalaw ako dun. Ako na lang mag-aalaga dun." request ko sa kanila.

"TALAGA ATE?!" tapos bigla akong niyakap ni Ysh.

Ang drama nitong kapatid ko.

"Mabute pa umuwi na din kayo. Let's pray Saab's recovery. Sana talaga maging okay na si Saab." - Ako.

Tuluyan ko na silang hinatid palabas ng bahay ko.

"Ate kapag may problema ka andun lang naman ako sa bahay natin wag mo yun kakalimutan." then humalik siya sa cheeks.

She's being too cheesy. Ano kayang nakain ng kapatid ko at sweet sa akin?

"Ihatid mo yang kapatid ko. Iuwi mo yan ng buong-buo kung hindi magtago ka na sa lungga ng nanay mo." banta ko kay Carl.

Inintay ko lang sila makaalis at papasok na sana ko ng...

"Ashley! Miss me?" 

WTF. Anong masamang hangin yung nagdala sa lalaking to dito? Walang pakundangang binuksan niya yung gate para makapasok.

"Charles please don't make a scene. Gabi na rin. Bukas na lang. Tulog na yung mga kapitbahay namin." pilit ko siyang pinapalabas ng gate.

Ayoko makita siya ng anak ko. Hindi pa ngayon. Hindi pa handa yung anak ko.

"Mommy." biglang sumulpot si Joshen at napasimangot nung nakita niya yung lalaking itinataboy ko.

"Who are you? BURGLAR!" bigla siyang sumigaw.

"No baby. Wag ka sumigaw maririnig tayo ng mga kapitbahay natin. He's my friend."

Nagtataka pa din yung anak ko. Hindi pa rin niya alam anong nangyayari.

"Your mom raised you well kahit wala ako." then tinap niya sa ulo si Joshen.

Pumunta sa likod ko yung anak ko para magtago. Hinarap ko naman si Joshen para ipaliwanag. Anak sana maintindihan mo hah.

"This is your real Dad. Charles." yun yung mga salitang lumabas na salita sa bibig ko. Di ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Don't cry Mom." habang pinupunasan ni Joshen yung mga luha ko.

"Hi Dad." then bigla siyang yumakap kay Charles.

Kahit anong galit ko sa Ama niya hindi ko pa rin pinagkakait sa kanya yung anak niya. Hindi lang naman kasi ako mag-isa gumawa nito. Dalawa kami dito. Gusto ko mang ilayo sa kanya yung anak ko wala eh yumakap na. Pinagpapasalamat ko lang na mabait pa din ako. Magpasalamat siya may puso pa din ako. -________-

-----------------------------------------------------------------------------

A/N: Sorry pooooo! Kung maikli hahaha. Kasi part lang naman siya ng Chapter 20. Kaya ayun. Comment naman kayo maawa na sa batang maganda hahahahaha jokes. -______- Ge enjoy

If Happy Ever After Exist (WMCMMTG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon