30. Lover Boy

694 16 6
                                    

Chapter Thirty



"Why did you do that? Alam mong may gusto sayo si Jessica diba?" I asked. Pinagmasdan kong mabuti si Taeyeon habang seryosong nagmamaneho.


Umawang ang kanyang labi ng sumulyap sakin. Tinaasan niya ako ng kilay.


"Ikaw ang gusto ko." Diretsong sabi niya ng walang pag aalinlangan. My breath hitched. Parang nagkabuhol buhol ang sikmura ko.


Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya.

"T-Taeyeon.." Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan siya. I bit my botton lip.


"Hmm?" Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Lumunok ako at parang mas lalong nakaramdam ng kaba.


Nang magkaroon ng sapat na lakas ng loob ay tinitigan ko siya ng mataman.


"A-ano ba tayo?" Halos pabulong na tanong ko. Yumuko ako. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Nakakaramdam ako ng pinaghalong takot at kaba. Takot na baka hindi kami pareho ng nararamdaman ni Taeyeon. Na baka magkaiba kami ng gusto at iniisip. It's not like I can't handle the heartbreaks, it's just ayoko lang mabahiran kung anong meron samin. Ayokong sirain.


Tumikhim siya. Huminto ang sasakyan sa stoplight at tuluyan siyang lumingon sa akin.


"What do you want us to be?"


Kaagad akong napaangat ng tingin. Nagtama ang mata namin. Kitang kita ko ang seryoso at makahulugang tingin niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. I don't know what to say.

Natigilan ako ng abutin ng isang kamay niya ang kamay kong nakapatong sa hita. Ang init na nagmumula sa palad niya ay nakakapagpatigil ng kaba ko. Unti unting huminahon ang sistema ko. Tinitigan niya ako ng malalim. A deep and intense stare na nakapagpakalma sa nararamdaman kong kaba.


"I can wait for you forever Tiffany." Panimula niya. "But I don't want us to talk about what kind of relationship we have right now."

My heart stop.



"W-What do you mean?"


Inangat niya ang kamay niya at hinaplos ang gilid ng labi ko. He stares at me - directly to my eyes.


"I don't want you to enter a relationship that doesn't have any assurance. I want you to know every bit of me first. I want you to make sure."


"But i'm sure that---" He kissed my forehead.


"Dahil ayokong magsisi ka sa huli Fany-aah. I don't want you to have any regrets in the future dahil hindi mo muna ako kinilala. Because once you entered my life I won't let you go. I'll make sure that your blood sings for me. Your soul and every inch of you will be forever mine. I'm a monster and I don't want you to be scared for entering my world without knowing the real me."


"T-Tae--"


"You are my heart Tiffany. Always remember that. And I won't go anywhere without you."


---

"Naimbitahan daw na tumugtog ang 'Perfect prince?" Ani ni Sunny ng makapasok sa practice room.

Tumigil ako sa pagsayaw sa harap ng malaking salamin at bumaling kay Sunny.


"Sooyoungie texted me." Dugtong niya bago lumapit sa couch at naupo.

"Nagkakatext kayo ni Sooyoung oppa, unnie?" Si Seohyun ang nagtanong habang naglalakad palapit kay Sunny.

Napatingin ako kay Jessica na nasa kabilang gilid. Wala pa rin siyang kibo simula ng nangyari kaninang umaga. I thought we're already okay but then Taeyeon happened. I dont know if I should be happy pero alam kong gusto ni Sica si Taeyeon at nasasaktan siya, but I love Taeyeon. Kahit pa hindi malinaw kung anong meron kami ngayon.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon