9. You Are With Me

758 17 1
                                    

Chapter Nine

Tiffany's Pov

Kumalabog ng husto yung dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Hindi ba dapat sila Jessica at ang grupo niya ngayon ang kasama niya? Anong ginagawa niya dito? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya ng makita siya. Lumulukso ang puso ko sa di ko malamang kadahilanan. Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"How about you? Hindi ba dapat kasama mo sila Jessica ngayon.. Taeyeon-sshi?" Matapang na tanong ko.

Nagkunot lang siya ng noo at hindi sumagot. Lalo akong naguluhan. Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Don't answer me with a question Tiff." Aniya na dahilan ng pagkabigla ko. My heart stops. What did he called me? Tiff?

"What are you doing here outside? And alone with that outfit?" Tumaas ang isang kilay niya ng muli akong pasadahan ng tingin. Napalunok ako. My heart was beating skeptically. Nagtagpo ang tingin namin. At dito nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod. Diretso ang tingin niya na may halong pang uusig. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinilit pakalmahin ang sistema. Ano bang problema sa suot ko? Ganito naman talaga kung manamit ako. Bakita parang ang laki ng problema niya?

"I-I'm here to buy some stuffs." Napamura ako sa isip ng marinig ang sarili kong boses. Bakit ako kinakabahan? Iniwas ko ang tingin ko sa mata niya. Hindi ko siya magawang tignan. Para akong napapaso.

"Stuffs?"

"I-I mean snacks! My sister and Kristine asked me to buy some snacks." Pagtatama ko. Diretso ang tingin ko sa gilid ng kalsada. Naramdaman ko na lang ng bigla niya akong hawakan sa braso. Mainit ang kamay niya pero nakakapagdala ito ng kung ano mang kuryente sa katawan ko. Napatingin ako sa kanya. Kunot ang noo niya habang nakatitig sa kawalan.

"I'll accompany you." Aniya ng hindi tumitingin. Sinubukan niya akong higitin pero nagpumiglas ako. Napasulyap siya sa akin dahilan para magtama ang tingin namin.

"You know, you don't need to." Diretsong sambit ko. Dumilim ang mukha niya.

"Don't insult me." Malalim ang mata niya kung tumingin at bakas dito ang galit. Natigilan ako. Anong problema niya? May nasabi ba akong mali? Binuka ko ang bibig ko at sinubukang magsalita pero walang lumabas dito. Hindi ko makapa kung anong dapat kong sabihin. Naguguluhan ako sa inaasal niya.

"You don't expect me to just leave you here alone with just your piece of clothing." Matigas na sabi niya. What? Piece of clothing?

Magsasalita pa sana ako ng muli niya akong higitin. This time ay sinigurado niyang hindi na ako makakapalag. Hinatak niya ako papunta sa mga kotse na nakapark sa gilid ng building. Muli ko na naman nakita yung mamahalin niyang kotse. Yung kotse na gamit niya last time ng dalhin niya kami sa coffee shop.

Huminto kami sa harap ng kotse niya. Kumalabog ng husto yung puso ko ng pagbuksan niya ako ng pinto sa front seat. Hindi ako kaagad pumasok. Tumunganga lang ako dun at tinitigan siya.

"Get inside." He demanded ng makitang hindi ako kumikilos. Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinunod siya. Para akong nawawalan ng lakas. Hindi naman ako ganito dati. Ako ang madalas na nagdedemand sa lahat ng tao. Ako yung nasusunod pero bakit ngayon ako ang sumusunod?

Tahimik akong pumasok sa front seat. Muli ko na namang nalanghap yung apple scent na pabango ng sasakyan niya. Halos mapupod na yung labi ko sa pagkagat ng maalala ko yung dahilan kung bakit apple scent ang pabango ng sasakyan niya. It was his girlfriend's favorite. I don't know but I think simula ng nalaman ko yung tungkol dito, ito na rin yung naaalala ko sa tuwing nakakakita ng apples.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon