24. The Boyfriend

612 20 2
                                    

Chapter Twenty Four


Ang buong akala ko ay nagbibiro lang si Taeyeon ng sabihin niyang mag a-ice cream siya ngunit hindi.


Pagkatapos niyang sabihin yun ay nilayasan niya na ako kung kaya't napilitan akong sumunod sa kanya. Pulang pula ang mukha ko kahit pa ng makarating kami sa ice cream store malapit sa park. Hindi ko pa rin magawang alisin sa isip ko yung sinabi niya. Shit! Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o magalit. Nag iinit ang sistema ko sa tuwing maaalala yun. Pakiramdam ko tuloy ako dapat ang mag ice cream ngayon at hindi siya. Damn Taeyeon.

Tinitigan ko siya habang kunot na kunot ang kanyang noo na kinakain ang kanyang ice cream. Nakasimangot ang kanyang gwapong mukha habang patuloy sa pagsubo ng vanilla ice cream mula sa malaking bowl.

Ngumiti ako ng tahimik habang naiiling. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinilig ang ulo.

"Bakit ang sungit mo?" Tanong ko.


Nag angat siya ng mukha at tinaasan ako ng kilay.


"Tss."

"May nagawa ba ako?" Humalakhak ako. "Lakas ng mood swings mo. Meron ka ba?"

Hindi ko alam kung bakit ang sungit sungit niya. Dapat nga ako yung nagsusungit sa kanya pero baliktad. Para siyang laging sasabog na time bomb sa tuwing kinakausap ko siya.

Ibinaba niya ang kutsara niya at tinitigan ako ng seryoso habang nakakunot noo. Napalunok ako. Shiz. There he goes again. His intense stares that can make anyone melt.

"Uwi na tayo." Seryosong sambit niya.


Napaawang ang labi ko. Agad? Pero ilang oras pa lang ang nakakaraan ng umalis kami ah.

"Hindi ba tayo magdidinner muna?" Nagtatakang tanong ko.

Tumikhim siya at iginala ang tingin sa ibang mga tables.

"Naiinis ako." Nakasimangot na wika niya.

Kumunot ang noo ko.


"At bakit ka naman naiinis?"

Umiling siya at muling tumikhim.

"Kahit san tayo pumunta laging may nakatingin sayo. Tss." Aniya sa iritadong tono.

Iginala ko ang tingin ko at nakita ko ang kabilang tables na puro babae. Halos maputol na ang mga leeg nito sa pagdungaw kay Taeyeon. Malalagkit ang tingin nila at mukhang hinuhubaran na din nila si Taeyeon sa pagtitig dito. Umirap ako at nagbalik ng tingin sa kanya.


"Sa akin o sayo?" Sumimangot ako at sinimulang lantakan yung strawberry ice cream ko na natutunaw na.


Ang manhid din ng isang to. Napakaraming mas naglalaway sa kanya pero hindi niya napapansin. Ang tanging nakikita niya lang ay yung puro sakin na mukhang hindi lang naman sadyang napapasulyap.

Napaawang ang bibig ni Taeyeon at luminga linga. Ilang sandali pa ay may isang babaeng mukhang teenager ang hindi nakatiis na hindi lumapit sa amin. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko yung babae na pulang pula ang pisngi habang nakatitig kay Taeyeon. Sa likod niya ay ang grupo ng mga teenagers din na naghahalakhakan habang nanunuod sa table namin.


Nag angat ng mukha si Taeyeon dun sa babae. Kunot pa din ang kanyang noo at bahagyang nakaawang ang labi. Suminghap ako at napakagat ng ibabang labi habang pinagmamasdan si Taeyeon.

"U-Uh. K-Kasi po... e-e f-fan mo po pala a-ako." Nauutal na pahayag nung teenager na babae. Lalong pumula ang pisngi niya nung hinead to foot siya ni Taeyeon at tinaasan ng kilay.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon