26. We need to talk

705 20 1
                                    

Chapter Twenty Six


Tulala pa din ako hanggang sa makalabas ng kwarto ni Taeyeon. Ramdam na ramdam ko ang pamimilipit ng sikmura ko sa sinabi niya. Parang may kung anong insekto dito ang tumutusok at lumilipad. I couldn't believe everything he said and what just happened.


He's crazy for me. Dammit. Taeyeon is crazy for me.


Para akong lumulutang sa ere habang naglalakad. Pagkalabas ko ng silid ay sabay naman na bumukas ang pintuan ng dorm. Napatingin ako dito at bumungad sa akin ang nakangising si Sunny. Sa likod niya ay ang nakasimangot na si Jessica.

Lumakad ako palapit at naupo sa couch katabi ni Seo habang kinakagat ang ibabang labi. Sa kabilang sofa ay ang seryoso at kunot noong si Taeyeon. Sinulyapan ko siya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. Napangisi ako. Ang sungit!

Humagikhik ng malakas si Sunny kung kaya't napatingin kaming lahat sa kanya. Umupo siya sa couch at hinagis sa lapag ang kanyang shoulder bag habang natatawa tawa pa din.

"Anong nangyari sayo?" Takang tanong ko ng magbaling sa kanya. Ngumisi lang siya ng makahulugan at sumulyap kay Jessica na nakatayo pa din at nakasimangot.

"Ask Sica." Ani ni Sunny saka ngumisi na parang nababaliw.

"Fvck you Soonkyu!" Umirap si Jessica at padabog na naglakad patungo sa kwarto niya.

Lalong humagalpak sa tawa si Sunny. Nagtaas lang ako ng kilay habang pinagmamasdan siyang tuwang tuwa. I don't know what's happening on her.

"I saw her with Yuri." Ngising wika ni Sunny na nakapagpalaglag ng panga ko.

With Yuri?

Nagpalpitate ang kilay ko ng lumingon ako kay Taeyeon. Sumulyap siya sa akin ngunit kaagad ding nag iwas ng tingin.

"While i'm with Sooyoungie." Dugtong pa ni Sunny na lalong nakapagpanganga sa akin.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pangingisay niya sa kilig.


My jaw dropped literally. 'Just.. wow.


Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapunta sa sm building. Dadaan pa din ako sa school namin para ayusin ang ilang hinihinging requirements doon at babalik sa sm para makapagpractice. Sa lugar mismo ng sm ang school ng mga trainees kung kaya't wala na akong magiging problema pa. Siguro ay magtataxi na lang ako papunta doon.


Naligo ako at mabilis na nagbihis bago lumabas ng kwarto namin ni Seo. Wala na din si Seohyun, marahil ay nauna na din siya para sa pagpasok.


Pagkalabas ko pa lang ng pintuan ay naamoy ko na kaagad ang nakakagutom na amoy mula sa kusina. Marahan akong naglakad patungo dito at halos lumuwa ang mata ko ng makita ang nakatopless na si Taeyeon habang nagluluto. Umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha.

Maglalakad na sana ako pabalik ng bigla siyang lumingon at makita ako. Napamura ako sa isip. Lalo na ng tumambad sa akin ang magandang hubog ng pangangatawan niya. His toned chest, packs of abs and strong arms. Inangat ko ang tingin ko at pinilit kong magfocus sa mukha niya kahit pa halos umusok na ang pisngi ko sa init. Darn.

He smirk when he saw me biting my lip. Lalong nag init ang pisngi ko. SHT. Kung pwede lang maglaho na lang na parang bula ay marahil nagawa ko na!


"Goodmorning miss." Masiglang bati niya gamit ang kanyang accent. Kumindat pa siya as he placed his hands on his hips at pinasadahan ako ng tingin. Napatingin ako sa hips niya kung saan nakasabit ang kanyang faded jeans. Mula dito ay nakasilip din ang kulay puti at itim na garter ng boxers niya. Napalunok ako ng mahagip ng mata ko ang kanyang v line. Kaagad bumaha ng mura sa isip ko. Shet lang! Pakiramdam ko nagkakasala ako sa tuwing tinititigan siya.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon