3. I Will Do It

978 21 1
                                    

Chapter Three

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?" Tanong ko. Napaawang ang labi niya at rumehistro dito ang isang matamis na ngiti.

"Dati hindi, Pero simula ng dumating ka sa buhay ko. Nagsimula akong maniwala na pwedeng maging posible ang imposible."

"Gaano mo ako kamahal?"

"Bakit mo tinatanong?" Nanuot sa pagkatao ko ang klase ng tingin na ipinupukol niya.

"Dahil gusto kong malaman." Malumanay na pahayag ko. Ngumiti lang siya saka marahang tumango.

"Hindi sasapat ang salita at haba ng buhay ko para iparamdam kung gaano. Let's just say you're a blood on my veins. Kahit ilang beses kitang ayawan at pandirihan mananatili kang parte ng pagkatao ko. At sa oras na tumigil ka sa pag agos ay ang oras na din ng pagkamatay ko."

"I-I thought I was your heart?" Nangangatal na ang boses ko dahil sa pagpigil ng mga nagbabadyang luha. Tinitigan niya ako ng mataman bago tinanguan.

"Yes, you are. You are the every part of my system. Meaning nakaukit ka na sa pagkatao ko. At kapag nawala ka ay parang pinatay mo na rin ako."

"Even your kidney?" Napahalakhak siya.

"Yes. Even my kidney."

***

Taeyeon's Pov

Pinasadan ko ng tingin ang kabuuan ng bar. Wala akong ibang marinig dito kundi ang nakabibinging sigawan ng mga kababaihan. Bahagya akong umiling at napakagat ng labi.

Nagbilang ako sa isip pagkatapos sabayang muli ng awit yung tugtog. I took a deep breath.

"I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be...me~~"

Natigil ang mata ko sa table na hindi kalayuan. Isa to sa mga vip seats at sigurado akong hindi ako nagkamali ng makita ang isa sa tatlong nakaupo doong babae. Nakaramdam ako ng saya ng magtagpo ang tingin namin. Wala sa sarili akong napangisi at napataas ng kilay ng makita ang klase ng tingin na pinupukol niya. Nakaawang ang mapupulang labi niya at mukhang confuse ang expression ng mukha niya. Lalong lumaki ang ngisi ko. It was her. Yung babaeng nakabungguan ko kanina bago kami magsimulang tumugtog.

"I'm talking to myself in public
Dodging glances on the train
And I know, I know they've all been talking about me
I can hear them whisper
And it makes me think there must be something wrong
with me
Out of all the hours thinking
Somehow I've lost my mind~~"

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon