36. Looks can be deceiving

571 18 5
                                    

Chapter Thirty Six


Taeyeon's Pov



Pumasok ako sa kusina and I saw Sunny drinking some cold water alone. Just in time.

Nagbuntong hininga ako at lumakad palapit sa kanya. Natigilan siya. Itinaas niya ang kanyang kilay bago ibaba ang baso sa sink.


"What brings you here?" Hinagod niya ako ng tingin.


"I need to give you something." Tumikhim ako at kunot noong kinuha ang envelope na nakasukbit sa likod ng pantalon ko.


"What's that?" Aniya habang dinudungaw ang envelope. Inilahad ko ito sa kanya.


"It's for the rent."


Tumaas ang tingin niya sa mukha ko. Kumunot ang kanyang noo at parang hindi makapaniwala sa narinig.


"I'm not asking for the money Taeyeon. You are staying here for free." Malamig niyang sabi.

Napatiim bagang ako. Suminghap ako at umiling iling.


"No Sunny. I wouldn't--"

"Save it for yourself. Alam ko kung anong pinagdadaanan mo Taeyeon."

Tinitigan niya ako ng mataman. Kaagad na naging blanko ang ekspresyon ko. Malamig ko siyang pinagmasdan.


"What do you know?" I asked in a cold tone. Unti unting humigpit ang hawak ko sa envelope at halos mapunit na ito. Pakiramdam ko ay dahan dahang naninikip ang dibdib ko. Napaawang ang labi ni Sunny at dalawang beses na kumurap kurap sa harapan ko.


"Anong alam mo?" Pag uulit ko sa mas mariin na tono ng mapagtanto na wala siyang balak sumagot.


Suminghap siya at nag iwas ng tingin.


"A-About your family.. t-that's why you are here.. y-your Dad and---"


"Enough." Pumikit ako at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.

"Who told you?" Tanong ko ng dumilat at tumingin sa kanya.


"I did my own research about you." Pag amin niya. Umiling siya kasabay ng mabilis na pagrehistro ng matinding guilt sa mukha niya.


"Kailan pa?" Bumilis ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.


"Since the day your band asked me if you can stay in our place. I'm not the type na basta basta na lang papayag magpatira ng lalaki sa dorm namin Taeyeon. So I had to do some background check." Sinuklay niya ang buhok niya at tumalikod paharap sa sink.


"So you knew everything about my life?" Sumulyap siya sakin at nagkibit balikat.

"I don't know. Your family is a bit strict since the scandal."


Bahagya akong natigilan kasabay ng pagkuyom ng aking kamao. Memories came gushing in my mind. The pain we all went through. And the reason why I can't be in this industry.

Lumingon sa akin si Sunny at nakita ko ang pag aalala sa kanyang tingin. Bumaba ang tingin niya like she is apologizing or what.

Napangisi ako at napailing. Halong inis at awa sa sarili ang tanging nararamdaman ko.

Dad cutted my cards. Now I have nothing but my personal savings. Mabuti na lamang nga at naisipan ko dating magbukas ng personal account. Kung hindi ay siguradong may kahihinatnan ako.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon