14. I Love Her

656 19 2
                                    

Chapter Fourteen

Tiffany's Pov

Nahigit ko ang hininga ko ng makilala kung sino yung taong nasa harapan ko ngayon. Naramdaman ko yung mainit niyang hininga sa itaas ng labi ko sa sobrang lapit namin. Lumunok ako at tinitigan siyang mabuti. Madilim ang paligid at tanging liwanag lamang ng buwan na nagmumula sa labas ng bintana ang nagsisilbing liwanag ng kusina, pero hindi ko pa din maiwasang maaninag kung gaano siya kaperpekto.

"O-Oppa?" Pabulong na sambit ko. Nanginginig ang labi ko sa kaba. Shit. Bakit ba ngayon pa? Bakit kailangan sa ganitong pagkakataon pa kami muling magkita?

Napaawang ang labi ko ng ilayo niya ang sarili niya sa akin. Kaagad kong naramdaman ang pagyapos ng malamig na hangin sa balat ko dahil sa ginawa niya. Naglakad siya papunta sa switch ng ilaw at binuksan ito. Lumiwanag ang paligid dahilan para masilayan ko ng malinaw ang mukha niya. My jaw dropped a bit ng makitang naka white v-neck shirt lang siya at shorts, dahilan para lalong madepina yung magandang hubog ng katawan niya. Yung mukhang matigas niyang braso at dibdib. Basa pa din ang dulo ng buhok at may nakasabit na tuwalya sa balikat niya. Napalunok ako ng isipin na marahil ay kakatapos niya pa lang sa paliligo.

"Kakauwi mo lang?" Pormal na tanong niya. Tumango ako.

Kinuha niya yung mop na nasa gilid ng kusina at sinimulang linisin ang kalat ko. Nakaramdam ako ng hiya, gusto ko siyang pigilan pero hindi ko alam kung paano. Nagbuntong hininga ako at pinagmasdan siyang mabuti. Hindi bagay sa ayos niya ang nagmamop at naguguilty ako dahil siya ang naglilinis sa naitapon ko.

"A-ah, Err k-kailan ka pa dumating dito?" Tanong ko gamit ang maliit na boses. Lumingon siya sa akin at kaagad akong nag iwas ng tingin. I bit my lower lip. May naglalarong kung ano sa sistema ko sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin.

"Kaninang hapon lang." He said without looking at me. Itinabi niya sa gilid yung mop bago lapitan yung basag na baso. My eyes widened.

"A-Ako na dyan." Tarantang wika ko saka nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan niya. Nilingon niya ako dahilan para matigilan ako. Muling nagtama ang paningin namin. Pakiramdam ko biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Blanko ang ekspresyon niya ngunit may naaaninag akong kung ano sa mga mata niya. Mabigat. Malalim. Isang klase ng tingin na parang napakaraming gustong iparating. Ako ang unang pumutol sa titigan namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"It's late. Why don't you go to sleep now and rest?" Nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita. Kitang kita ko sa sulok ng mga mata ko ang ginawa niyang pagtitig sa akin. Pakiramdam ko gusto ko na lang maglaho na parang bula. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Humugot ako ng malalim na hininga bago magbalik ng tingin sa kanya. Kunot ang kanyang noo at nang uusig ang mga mata. Parang pilit niyang binabasa ang laman ng isip ko.

"I-I'm sorry oppa." Malumanay na pahayag ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Basta't ang alam ko lang ay naguguilty ako sa lahat ng nangyayari.

"Bakit ka naman nagsosorry?" Naninigkit ang mga matang pahayag niya. Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla siyang humakbang papalapit sa akin. Mabilis ang ginawa kong pagatras hanggang sa hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako ng counter. Napasandal ako dito at bahagyang nanlaki ang mga mata. Napangisi siya ng makita ito at nagpatuloy sa paglapit sa akin.

Pigil na pigil ako sa paghinga. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para magsalita.

"B-Because of w-what happened l-last time. About the---" Napahinto ako sa pagsasalita ng makalapit na siya sa akin ng tuluyan. Namilog ang mga mata ko at napasinghap. May naglalarong ngisi sa mga labi niya habang pinagmamasdan ako. Napamura ako sa isip ng maramdaman ang ginawa niyang paglalagay ng magkabilang braso sa aking gilid. Hindi ko alam kung anong balak niya.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon