11. The good news

691 17 1
                                    

Chapter Eleven

Mabilis kong pinulot ang nagkalat kong damit at sinuot ito. May kung ano sa akin ang gustong madaliin ang lahat. Kung pwede lang na lumipad na papunta kay Tiffany ay ginawa ko na. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Bakit siya umiiyak? Anong nangyari? May nangyari bang hindi dapat? May bumastos ulit sa kanya? Shit! Isipin ko pa lang nag ngingitngit na ako.

"Where are you going?" Ani ni Minah. Tumingin ako sa kanya at tumikhim. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

Napakunot siya ng noo. Alam kong nakita niya ang pagkabalisa sa mukha ko.

Tumayo siya mula sa kama ng nakabalot sa kumot ang katawan. Tinitigan niya akong mabuti. Nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagsusuot ng shirt ko.

"I said where are you going." May halong galit na wika niya. Napalunok ako. Paano ko sasabihing si Tiffany ang pupuntahan ko?

"Kim Taeyeon!" Matigas na sigaw niya. Nagbalik ako sa kanya ng tingin.

"My friend is looking for help." Tipid na sambit ko. Muli akong nag iwas ng tingin. Shit i'm sorry Minah. I don't know what's happening to me. I don't know. Gulong gulo ang isip ko. I'm inlove with you but i'm attracted to Tiffany. There is something on her that I can't resist. Am I cheating? If this is what you called cheating then I admit it. Fvck. I'm cheating. I'm lying to my own girlfriend.

Mabilis ang ginawa kong pagpapaandar sa sasakyan ko. Kulang na lang liparin ko yung kalsada. A loud honk in every corner of the streets can be heard. But I don't care. All I know is I want to be with Tiffany right now. I want to know what's happening. I want to know why she's crying.

Bumaba ako sa sasakyan ko ng makarating ako sa labas ng dorm nila. She texted me their address. It was a huge condo building around the gangnam district. At halos takbuhin ko na ang paglalakad makapunta lang kung nasaan si Tiffany.

On the side street sitting at one of the pavement lifelessly is none other Tiffany. Habol hininga akong naglakad palapit sa kanya. She was hiding her face between her palms. Maraan siyang nag angat ng mukha. And there my heart sunk. Nakaramdam ako ng awa. Her eyes were swollen in tears and her nose were red.

Napabuntong hininga ako. Hinubad ko ang jacket ko at ipinulupot ito sa kanya as i squatted myself infront of her.

"What happened? Why are you crying?" Alalang tanong ko. Tinitigan ko siyang mabuti. I don't want her seeing like this. Nasan na yung Tiffany na laging nakangiti? Yung mataray at Tiffany na nawawalan ng mata sa tuwing tumatawa?

Kinagat niya ang ibabang labi niya at humikbi.

"O-Oppa." Muling bumagsak ang luha niya. Kaagad ko siyang hinigit at niyapak. As I kept cursing to myself sa kung sino man ang may gawa sa kanya nito. I will make her/him pay.

"Let's go on the car. It's cold outside." Tinulungan ko siyang makatayo at inalalayan patungo sa sasakyan.

Patuloy ang ginawa niyang pag iyak ng makapasok kami sa loob ng sasakyan ko. Pinabayaan ko lang siya. Hindi ako nagsalita. Kahit pa sa loob loob ko ay nakakaramdam na ako ng galit at inis. Sa kung sino man ang nagpaiyak kay Tiffany. He/She was obviously plain stupid, for making such an innocent and lovely girl cry like this.

"T-Thank you for coming oppa." She said between her sobbings. Nag igting ang bagang ko. Tumingin ako sa kanya.

"Tell me what happened."

Kinagat niya ang ibabang labi niya at muling bumagsak ang mga luha niya. Napamura ako sa isip. Shit! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay umiiyak. Pero bakit ngayon okay lang? Bakit kapag si Tiffany hindi ako nakakaramdam ng inis. Kundi galit sa kung sino man ang nagpaiyak sa kanya.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon