8. Hot

788 18 1
                                    

Chapter Eight

Tiffany's Pov

"T-Taeyeon-sshi?" Nalaglag ang panga ko. Tama ba ako ng nakikita?

Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon. Parang kanina lang ay nasa gitna siya at pinapanood ko mula sa kinauupuan ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakablack v cut t-shirt na lang siya at black jeans. Gulo gulo ang buhok niya at kitang kita ko ang pagkinang ng piercing niya sa kanang tenga.

"Glad you still know my name." Marahan siyang ngumiti dahilan para lumabas yung malalim niyang dimple sa magkabilang pisngi.

"Do you mind if I sit here?" Dugtong niya sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Kumalabog ng husto yung puso ko.

Sumulyap ako sa katabi kong si Kristine pero diretso ang tingin nito sa harapan at mukhang walang kaalam alam na nandito lang si Taeyeon. Nakabuka ang bibig niya habang pinapanuod si Yul na kumakanta sa harap.

Nagbalik ako ng tingin kay Taeyeon saka marahan na umiling. Mas lumaki yung ngiti niya. Umupo siya sa tabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng malanghap yung mamahaling pabango niya. Nagkadikit din ang braso namin. Napasinghap ako. Pakiramdam ko may kung anong kuryente ang biglang dumaloy sa katawan ko.

Nag iwas ako ng tingin ng marealize na nakatitig pala siya sa akin. Para akong napaso dito. Nagfocus ako ng tingin sa harapan. Kahit pa hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari ay mas mabuti ng dito ako magfocus ng atensyon.

"Where is the others?" Mahinahong tanong niya. Nahigit ko ang hininga ko ng biglang pumasok sa isip ko si Jessica. Pati yung pag uusap nila sa telepono. Si Jessica ba ang tinutukoy niya sa 'Others? Kung ganon, bakit hindi na lang niya ako diretsuhin? Nakaramdam ako ng pagkainis sa sistema ko. Kinunot ko ang noo ko at nagbuntong hininga.

"You mean Jessica?" Bakas sa boses ko ang pagkairita ng sabihin ito. Hindi ko siya tinignan. Nagpatuloy lang ako sa panunuod kay Yul na kumakanta sa stage.

Dinig ko ang pinakawalan ni Taeyeon na sunod sunod na hininga. Tumikhim siya at bumulong ng ilang salita. Nagbalik ako sa kanya ng tingin. Kitang kita ko ang kunot niyang noo at madilim na mukha. Ginapangan ng kaba ang sistema ko. Mukha siyang galit, pero bakit pakiramdam ko mas tumitingkad ang kagwapuhan niya?

"What's with Jessica?" Iritableng tanong niya saka ako tinitigan ng diretso sa mga mata. Napalunok ako.

"Y-You are close with her."

Nag igting ang bagang niya ng marinig ito. Napaawang ang labi niya at tinitigan ako ng malalim.

"I want to be close with you." Diretsong wika niya ng walang kakurap kurap. Natigilan ako Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Anong sabi niya? He wants what?

"What? Why?" Tarantang tanong ko. Kumabog ng husto ang dibdib ko. Kumunot lang ang noo niya at nagpatuloy sa pagtitig sa akin.

"Are you deaf? I said I want to be close with you." Pag uulit niya ng walang pag aalinlangan. Nahigit ko ang hininga ko. Nangapa ako ng dapat kong sabihin. Bakit ganito? Pakiramdam ko nasisiyahan ang pagkatao ko sa mga naririnig mula sa kanya? Kahit hindi naman dapat. Kahit alam kong mali. Is this a trap? I don't know but i'm lost. I'm lost on his words.

"B-Bakit?" Sa wakas ay naisatinig ko ng magbalik sa katinuan ang sistema ko. Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko.

"Kailangan ba ng rason para makipaglapit sa isang tao?" Seryosong sambit niya. Diretso pa din ang tingin niya sa mga mata ko. Nag init ang dalawang pisngi ko.

"I-I guess n-no, i-i mean--"

"Then you don't have to ask why." Putol niya sa akin. Humugot siya ng malalim na hininga saka tipid na ngumiti. "Because even me, doesn't know why."

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon