Chapter 33: After She Made The Right Decision

131K 1.4K 25
                                    

A/N: Hohohoho! Konnichiwa mina-san! So, malapit na at magiging 3K na votes at 200+ reads na! Thank you ulit guys sa pagsuporta nito. Hindi ko po talaga maexplain yung pasasalamat at tuwa ko. So here's the next chapter.

LUCKY'S POV

Paggising ko ay parang panibagong buhay ako ngayon. Malaya ka na Lucky. Malaya ka na sa asawa mo. Pagkatapos ko kasi maghanda ng mga damit ko ay hindi na ako natulog pa. Tiningnan ko na yung labas ng kwarto ko kung gising pa si Stephen. Tiningnan ko yung baba kung bukas yung ilaw pero patay na ito, hudyat na nakaakyat na si Stephen at nasa kwarto na ito.

Ako naman ay kinuha ko na yung mga maleta ko at tiningnan ko last yung kwarto ko. Sa palagay ko, matatagalan pa ako makakabalik. Magiging malaya at masaya na ako nito. Pagkatapos ay nilabas ko na yung maleta ko at pinatay ko na rin yung ilaw. Nung una dahan dahan ko sinarado yung pintuan at dahan dahan rin ako bumaba kasama yung mga maleta ko, ayaw ko naman kasi mahuli ako ni Stephen pero bakit pa ako matatakot eh ito naman yung gusto niya diba ang mawala ako sa buhay niya? Umiling na lang ako at dumiretso na ako sa labas ng bahay namin ni Stephen. Pagkadating ko sa labas ay hinihintay ko yung taxi na pinatawag ko.

Nang nakita ko na yung taxi ay kumaway ako para makita niya ako. Tumigil naman yung taxi sa harap ko at nung bumaba na yung driver ng taxi ay tinulungan na niya ako sa mga maleta ko. Pumasok na ako sa backseat at umupo na. Tumawag na muna ako kay Mama dahil hindi pa niya alam kung ano plano ko at gusto ko rin naman humingi ng tulong kay Mama kung saan ako pwede magpahinga o makapag-isip man lang. Wala pang ilang ring ay sinagot na niya ito.

"Oh...princess...Huuuhhh...bakit gising ka pa?" halatang kakagising lang ni Mama pero kailangan niya ito malaman.

"Ah Ma. Sorry kung nagising kita pero importante itong sasabihin ko po sa inyo." narinig ko sa background na kakasarado lang ng pinto.

"Ah ganun ba, sige princess ano ba iyon?" feel ko lumabas ng kwarto si Mama para hindi makaistorbo sa tulog ni Papa. Huminga muna ako ng malalim at

"Nakapagdesisyon na po ako Ma na magpahinga na muna kaya umalis na po ako sa bahay ni Stephen." sabi ko kay Mama. Wala naman akong narinig na second demotion kay Mama, feel ko alam na niya na mangyayari ito.

"Good choice naman anak at natauhan ka na rin." sabi ni Mama sa kabila. Napatawa naman ako sa sinabi niya sa akin kaya love na love ko siya."Oo nga pala, saan ka naman na muna magbabakasyon?"

"Yun nga po yung problema ko po, kailangan ko kayo kung meron man lang po kayo alam na lugar kung saan man lang ako pwede makapagbakasyon." sabi ko sa kaniya.

"Eh kung ganon edi sa probinsya natin." suggest ni Mama pero kasi close ni Stephen yung Papa ko at sure ako na tatanungin ni Stephen iyon kung saan yung probinsya ni Mama.

"Eh Ma, mahahanap na niya ako kung ganun tsaka Ma pwede tulungan mo akong hindi madidiscover kay Stephen kahit maghire siya ng detective?" tanong ko sa kaniya kasi ayaw ko talaga na mahanap ako ni Stephen gusto ko na muna makapag-isip.

"Oh sure princess, maghihire rin ako ng detective para malaman ko kung may sumusunod sa iyong detective rin." ang galing talaga ni Mama, maasahan mo talaga siya.

"Salamat Ma, saan po ba?" tanong ko kay mama.

"Sa Albay ka princess. Hindi ka naman mahahanap doon tsaka nanduon rin yung mga iba natin relatives. Sabihan ko na lang si Hans na pumunta sa airport doon sa Albay para maisundo ka nila." sabi ni Mama sa akin. Si Tito Hans ay kapatid ni Mama. Nakapagtapos na ito ng pag-aaral sa tulong ni Mama at Papa at ngayon ay successful architect si Tito. Meron siyang dalawang anak, isang babae at lalaki at close ko yung mga iyon. Matagal ko na rin hindi na sila nakikita.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon