Chapter 2: The Wife's Past

213K 2.5K 11
                                    

A/N: Heyo Guys! Nice to see you again! Happy 28 reads tayo. Sana ipagpatuloy pa rin ninyo na basahin itong istoryang ito. Keep reading and vote!!! Malalaman na natin yung past ni Lucky.  So here's the update!

LUCKY'S POV

"Lucky Evangelista, please answer this equation on the board.''

HA?! Ba't ako?! Nakakainis naman tong professor namin oh. Dinidispatsa talaga ako nito o kaya may crush lang ito sa akin. Hay.....Ang kapal ng mukha ko noh. Sabihin niyo. Eh wala eh, sabi ng mga magulang ko maganda ako at saka yung mga magulang naman natin nagsasabi naman ng totoo diba? Kayo rin. Hay....Pero di ko talaga gets bakit ganun yung name ko.

Akala ko ba pinangalan akong Lucky para maswerte ako sa buhay eh bakit parang araw-araw eh minamalas ako katulad ng last month nadulas ako tapos sumakto pa sa putikan, ang resulta? Ayun, pinagkamalan akong baboy dahil nabalutan ako ng putik. Eh bakit naman kasing umulan nung araw na iyon. Last week dadaan na ako ng kalsada tapos nasa pedestrian lane na ako pero ayun muntikan na ako masagasaan tapos sasabihin niya di ako tumitingin na dumadaan na yung kotse niya. BULAG BA SIYA? Eh kitang kitang naman niya na dumadaan ako sa pedestrian line eh di dapat kapag nakita niyang tumawid ako sa pedestrian tumigil muna siya. Akala mo naman hindi makapaghintay. Isang gabi, hindi ako makapg-aral ng maayos kasi naman madaling araw may nagkakaraoke pa rin. Eh sino hindi makapag-aaral nun, ang resulta? Ayun bumagsak ako sa quiz namin kailangan ko ulit magretake. Pero nung nagretake ako ayun ang resulta pasang-awa naman yung score ko. Pero nag-aral naman ako ng mabuti at ngayon ipapasagot sa akin yang lintek na EQUATION na iyan. Eh akala mo naman magagamit naman natin yang lintek na equation sa pang araw-araw natin.

"Lucky Evangelista"

AISH! Nakakainis siya. Porket wala kasing asawa tapos pinagtitilian siya ng mga babae eh.

"Lucky Evangelista......"

Sige nga, pano ko yan masasagot eh ang hirap ng equation. Hindi naman akong magaling sa Math. Wala nga akong sagot dyan eh. Dyan lang item na iyan noh. Pero yung iba may sagot naman ako at tama naman lahat except yan, wag lang yan.

"Lucky Evangelista......."

I CURSE YOU MATH! SINUSUMPAAN KITA! LUMAYO KA!

"Uy....Best....Tinatawag ka. Uy!"

TANDAAN MO YAN MATH MAWAWALA KA RIN DITO SA MUND——

"LUCKY EVANGELISTA!!!"

"AY ANAK NG SAMPUNG KABAYO!"

"Anong sampung kabayo ang tinutukoy mo Ms. Lucky Evangelista? Ako ba yung tinutukoy mo?"

"Huh?! Sir? Ikaw? Sir? Uhmmmm..." Tumingin ako sa kaliwa ko. Humanda ka sa akin Lucky. Malilintikan ka. Feel ko yun yung sinasabi niya sa isip niya ngayon sa akin."Uhmmm....Sir? Hindi naman ikaw yung tinutukoy kong sampung kabayo uhmm...tinutukoy ko yung si.....siiii....VVV—ICE oo si Vice yung alaga naming kabayo sa ranch namin. Nanganak kasi siya ng sampung kabayo."

"Stop making excuses MS. LUCKY EVANGELISTA and ANSWER THAT DAMN EQUATION IN THAT FREAKING WHITEBOARD!!!"

"Pero S—"

RIIIIIINNNGGG!!! RIIINNGG!!!

Save by the Bell! Thank You!

"Uhm...Sir nagring na po yung school bell. Ibig sabihin niyan Sir bukas ko na lang sagutin yung equation. Wag po kayong mag-aalala with explanation pa yan kung gusto niyo."

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon