Chapter 55: The Signature

122K 1.4K 115
                                    

A/N: So hello guys! Woo! Malapit na and magpapaalam na muna tayo sa kanila. Nakakalungkot pero sa akin nakakaoverwhelm at naging masaya at the same time kasi matatapos ko na yung ever first story ko pero hindi pa rin siya matatapos yung love story ni Lucky at Stephen kasi may book 2 pa sila so abangan natin sila. Uhm... sa totoo po may rason naman po ako kung bakit ginagawa ko po yung bawat chapters sa story ko kung nakukulangan po kayo o kung if ever "bakit hindi sinabi ni Lucky kay Stephen na pinainom siya ni Vivienne nung pampalaglag" doon sa last chapter na iyon ay may rason po ako. Wag niyo naman po ako sabihan ng b.o.b.o dahil hindi lang sinabi ni Lucky iyon kay Stephen. Lahat naman ng tao may pagkakamali at may pagkukulang pero wala naman taong BOBO diba kaya nga binigyan tayo ni God ng utak eh para makapag-isip. J Kung sino man iyon ay sinabi ko na sa kaniya at sana po wag mo na ulit iyon gawin sa akin. Buti minessage mo ako.Pero bago yon habang naghihintay kayo ay basahin niyo na rin yung second story ko if ever gusto niyo basahin. J So here's the chapter!


LUCKY'S POV

"Uhm...Manang nandyan ba si Jenny?" tanong ko kay Manang pagkadating ko sa bahay nina Jenny at Troy.

"Ah kayo pala ma'am Lucky uhm opo nandyan po sila sa sala at hinahanap na kayo." Nakangiti na sabi sa akin ni Manang Stella. Ngumiti na lang ako at pumasok na rin sa bahay nila.

Nandito ako sa bahay nina Jenny at Troy kasi kailangan ko yung tulong nila para mapadali yung paghihiwalay ko kay Stephen. Oo, makikipagannul na ako sa kaniya. Hindi ko na kaya yung mga kasinungalingan niya at gusto ko na rin mamuhay ng mapayapa. Nakakapagod rin kasi maging mabuting asawa eh kung lolokohin ka lang rin ng asawa mo diba?

Pagkapunta ko sa sala nila ay nakita ko na naglalaro yung mag-ama habang si Jenny naman ay karga niya yung baby girl niya na si Kaye. Masayang pagmasdan ang ganitong pamilya na nagkakasayaan at makikita mo na parang walang problema sila. Sana ngayon ay may anak na ako at nilalaro ko siya o inaaruga ko ngayon pero hindi namatay ito dahil sa kanilang dalawa.

Nang napansin na ako ni Jenny ay tumayo ito at tinawag niya yung yaya nong dalawa pagkatapos ay dinala na nga nung dalawang yaya sila pagkatapos ay ngumiti na lumapit sa akin si Jenny pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Oh! I miss you so much Lucky." Sabi niya sa akin pagkatapos ay kumalas na kami ng yakap. Malungkot na tiningnan niya ako at

"Hay...ano ka ba? Grabe naman ito parang nung last week lang tayo nagkita sa bahay ah. Sabi ko sa kaniya.

"Sorry Lucky kung hindi kami nakapunta sa ospital para bisitahin ka namin ni Troy." Malungkot na sabi niya sa akin.

"Ano ba yan Jenny, ok lang tsaka parent's day iyon ng anak niyo na si James at kailangan kayo nung bata kaya ok lang."Nakita ko naman na ngumiti rin siya sa akin pagkatapos ay lumapit naman si Troy sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit ako naman ay yumakap rin sa kaniya.

"Nagsosorry na ako sa iyo kung ano man ang ginawa ni Stephen sa iyo." Malungkot na bulong sa akin ni Troy. Pagkatapos ay kumalas na kami ng yakap pagkatapos ay pinaupo na ako ni Jenny samantalang si Troy ay tumabi kay Jenny at nakayakap ito sa bewang. Napangiti na lang ako ng malungkot.

"So anong gusto mo Lucky juice, coffee, o-" hindi ko na pinatapos si Jenny at pinutol ko na agad.

"Kailangan ko ng tulong niyong dalawa." Sabi ko sa kanila. Halata sa mukha nila na naguguluhan sila.

"Ano ba tulong ang kailangan mo sa amin ni Jenny?" tanong sa akin ni Troy. Ngumiti ako sa kanila ng malungkot pagkatapos ay may kinuha ako sa bag ko. Isang enevelope ito at binigay ko na nga sa kanilang dalawa yung envelope. Binuksan naman nila yung envelope pagkatapos ay laking gulat nila habang binabasa yung nasa loob ng papael na iyon.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon