Chapter 44: Before "THE DAY"

95.4K 1K 24
                                    

A/N: Wooh! Grabe ang mga comment niyo guys! Wooh! So ilan days na lang? Ilan days na lang para mailabas ko na yng second story ko? Muhahaha! So excited na ako mailabas yung second story ko sa inyo guys! Sana po suportahan niyo po rin yung second story na iyon. :) So sa palagay ko po malapit na po matapos ang A Wife's Suffer hindi ko pa po sure kung hanggang 50 chapters or 55 chapters plus Epilogue pa po iyon so hintay hintay na lang tayo guys so here's the next chapter!

LUCKY'S POV 

6:00 P.M.

Nakasabi doon sa orasan ng cellphone ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil panigurado paglabas ko ay nandiyan sila. Di ko pa rin alam kung lalabas ako o magstastay sa kompaniyang ito. Oo nga pala, kanina naman ay nakabalik rin naman si Ms. Shanice kasama yung asawa niya nagkaemergency lang daw talaga.

Shoot! Paano na ito, nagmumukhang tanga na ako rito sa gilid dahil hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi. Pero dahil gusto ko na talaga umuwi ay lumabas na ako. Nakita ko na maraming mga babae ang tumigil at tinitingnan nila yung dalawang lalaki na nakasandal sa kani-kanilang kotse. Lahat sila ay parang namamangha dahil sa kagwapuhan nila.

Habang ako naman ay nagulat na lang ng sabay sila umangat ng ulo nila at tiningnan nila ako pagkatapos ay ngumiti sila. Pagkatapos ay sabay sabay silang lumapit sa akin at sabay rin nila ako binigyan ng bulaklak. Si Andrei ay daisy samantalang yung kay Stephen ay rose. 

Yung basket nga pala na pinaglagyan ng mga rose ni Stephen ay nilagay ko sa vase para decorations sa table ko kaya ngayon ay wala akong dalang basket yung kay Andrei naman ay nilagay ko rin doon sa vase. 

Nakita ko na yung mga babae ay nakatingin sa amin pero particularly ay sa akin. Nakita ko na yung mga iba ay naiinggit, yung mga iba naman ay natatarayan sa akin, yung mga iba naman ay naswesweetan, at yung mga iba ay masama na yung tingin sa akin kaya ayoko ng ganito kasi alam kong kinabukasan ay ako yung magiging issue nila.

Nang mapansin nilang dalawa na sabay silang magbigay ng bulaklak sa akin ay tumingin silang isa't isa at ngumiti lang sila dalawa. Nakakapagtaka naman na hindi sila nagsuntukan dahil kapag nagkikita silang dalawa ay diretso sa suntukan yung dalawa. 

"Uh--uhm--"

"Lucky halika iuuwi na kita sa condo, alam ko naman na pagod ka galing sa trabaho." nakangiti na sabi sa akin ni Andrei. Kinuha ko naman yung Daisy ni Andrei at nakita kong tuwang tuwa si Andrei nang tanggapin ko yung bulaklak.

"Lucky halika diba sabi ko may date tayo? Halika ako na mag-uuwi sa iyo pagkatapos natin kumain. Alam ko naman na gutom ka dahil sa trabaho eh." nakangiti na sabi sa akin ni Stephen. Kinuha ko na rin yung rose ni Stephen at nakita ko na tuwang tuwa siya. Ako naman ay natatawa sa kanilang dalawa kasi nagpapakitang gilas sila sa akin sa panliligaw.

"Oh Lucky, hindi ka pa rin ba---Oh. Now I know. Hub I want those flowers can you buy for me when we get home?" tanong ni Ms. Shanice sa asawa niya. Si Sir Miguel naman ay napakamot sa batok at napapansin ko na sobrang pagod talaga siya na sa palagay ko ay hindi na niya kaya pang bumili ng bulaklak na ito kaya lumapit na lang ako kay Ms. Shanice at binigay ko yung dalawang bulaklak na binigay ni Stephen at Andrei sa akin. Nakita ko na nagulat si Ms. Shanice at

"Oh! No, no, no! Wag mo ibigay sa akin yan Lucky, sa iyo yan binigay sa dalawang manliliga-- Oh! Mr. Alvarez I didn't notice you. Are you a suitor of Ms. Lucky?" tanong ni Ms. Shanice kay Stephen. Nakita ko naman na tumango si Stephen at ngumiti.

"Oh. And you young man are you too a suitor of Ms. Lucky?" tumango naman si Andrei at ngumiti.

"Syempre naman Sweetheart. Halata naman sa kanila na sila yung manliligaw ni Lucky eh kanina pa sila diyan sabi nung guard kanina at nakita mo na rin naman na binigyan siya ng bulaklak. Oh. Lucky wag mo talaga ibigay kay Shanice yang bulaklak na iyan kasi sa iyo yan tsaka galing yan sa mga naggwagwapuhang mga manliligaw mo." sabi sa akin ni Sir Miguel kaya lalo tuloy ako namula. Umiling naman ako at pilit na ibinibigay kay Ms. Shanice kasi ayaw ko na may nalalaman at baka masaktan ko lang yung isa sa kanila.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon