Chapter 10: Sticky Note

149K 2.1K 49
                                    

A/N: Nandito na naman po ako sa harap ninyo. Salamat po at patuloy pa rin kayo sumusuporta sa story na ito. 1,500+ reads na po tayo Guys! Inuupdate ko lang. Hihihi! So, guys! Hey! Hi! Yoohoo! Sana naman magcomment rin kayo sa baba. Magiging masaya si Author kapag nagcomment rin kayo sa mga reactions niyo sa bawat chaper. So, wala na rin naman ako masasabi so here's the next chapter. ;))


LUCKY'S POV

Napagising ako dahil sa liwanag na naanigan ng aking mukha. Bago ako umunat ay nagulat ako dahil nasa tabi ko si Stephen at mahimbing pa rin ito natutulog. Nagulat ako na nakahawak siya sa kamay ko pero napatitig ako sa mukha niyang mahimbing pa rin ang tulog niya.

Napapangiti ako sa ginawa niya sa akin kahapon kasi inalagaan niya ako tsaka hindi siya pumasok sa trabaho kahit sinabihan ko siya na pumasok na siya. Okay lang sa akin kung sisihin niya ako dahil sa lagnat ko kahapon at dahil rin doon ay hindi siya nakapagpresent sa board of directors total nga nagpasalamat ako sa lagnat ko kasi inalagaan niya ako kahapon. Atleast, nakasama ko siya kahit isang araw lang dahil sa susunod hindi na naman kami magkakasama ng matagal. Magkakasama lang kami kapag sabay kami kumain ng agahan o kaya dinner namin o kaya minsan pa nga tanggal na yung dinner kasi minsan late na siyang umuwi o kaya nagdadala siya ng babae dito tapos ginagawa pa niya akong katulong sa mga babae niya.

Pero kahapon nagulat ako kasi nga akala ko papasok siya sa trabaho niya. Napakasaya ko talaga. Hindi ko maexplain yung saya ko. Pero nakakahiya naman kasi nakita na niya yung hubad kong katawan tapos sinabihan pa niya ako na maliit yung harapan ko. Tiningnan ko yung harapan ko pero hindi naman eh. Sabi nga ng mama ko okay lang daw yung laki ng dibdib ko pero feel ko maliit iyon sa kanya kasi nga marami na siya na ikakama na babae na alam mo na malalaki yung harapan nila kaya hindi ata ako pasado sa mga taste ni Stephen. Alam ko na! Magpupush up ako kada umaga, sabi daw effective daw iyon para daw lumaki. Oo nga. Tama.

Ngayon ko lang siya natitig ng ganitong kalapit tapos ang himbing at ang peaceful pa ng ng mukha niya. Yung mga pilik mata niyang mahahaba pala tapos yung matatangos niyang ilong, tapos yung mga cheekbones niyang lumilitaw, tapos yung labi niyang manipis na masarap atang ha—— Ano ba yan Lucky! Pinagnanasahan mo na yung asawa mo. Dahil ata sa galaw ko ay nagising na si Stephen ng tuluyan. Parang ang cute niya kasi ang gulo gulo ng buhok niya tapos yung mga mata niya ay parang singkit. Inikot niya ang kaniyang mata at ulo dito sa aking kwarto tapos lumipad ulit ang mata niya sa akin. Bigla ako namula kaya binigyan ko siya ng isang ngiti para man lang maitago ko ang hiya ko sa kaniya.

"Go-good-morning."  nauutal na sabi ko. Ningitian ko siya. Tumingin siya sa bandang kamay niya. Dun ko lang hinila yung kamay ko baka kasi magalit na naman siya sa akin. Bakit pinabayaan ko na nakahawak yung kamay niya sa akin? Sigawan pa niya ako eh ang ganda na ng umaga ko. 

"Ahm...Gutom ka na ba? Ipapaghanda na kita ng almusal."  sabi ko. Bumalik na naman yung tingin niya sa akin tapos itinaas niya yung kamay niya tapos ay pumikit ako nung lumapit yung mainit niyang kamay sa noo ko. 

"Magaling ka na pala. Salamat naman. Effective yata yung pag-aalaga ko sa iyo."  Nagulat ako kasi nakangiti siya sa akin. Ang tamis ng ngiti niya sa akin. Kaya ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis. Pero nung nakita niya na ningitian ko siya ng matamis ay bigla siyang napaubo. Bigla ako nag-alala. Hala! Baka nahawa ata siya sa akin o kaya dahil sa akin kaya nagpuyat siya para alagaan lang niya ako. Hahawakan ko na siya dapat sa noo niya pero hinawakan niya lang yung kamay ko tapos tumingin siya sa akin na malamig. Nanginig yung buong sistema ko dahil sa mga tingin niya sa akin.

"Don't touch me. I'm not sick." malamig at may diin yung mga bawat salita na sinabi niya sa akin. Napatungo ako. "So-so-sorry. Hindi ko naman alam na baka nahawa ka na pala sa sakit ko." nauutal na sabi ko.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon